Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

JOB 40

40
Si Job ay sumailalim ng Panginoon. Ang hamon ng Panginoon.
1Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
2 # Job 33:13. Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat?
Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.
3Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
4 # Ezra 9:6; Job 42:6; Nah. 1:14. Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo?
Aking inilalagay #Awit 39:9. ang aking kamay sa aking bibig,
5Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot:
Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.
6Nang magkagayo'y #Job 38:1. sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
7 # Job 38:3. Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake:
Ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.
8 # Awit 51:4; Rom. 3:4. Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan?
Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?
9O mayroon ka bang kamay na parang Dios?
At makakukulog ka ba #Job 37:4. ng tinig na gaya niya?
10 # Awit 93:1; 104:1. Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan;
At magbihis ka ng karangalan at kalakhan.
11Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit:
At tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya.
12 # Is. 2:12; Dan. 4:37. Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya;
At iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
13Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama;
Talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako.
14Kung magkagayo'y ipahayag naman kita;
Na maililigtas ka ng iyong kanan.
Ang kapangyarihan ng Panginoon ay tulad sa behemot.
15Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo:
Siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.
16Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang,
At ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
17Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro:
Ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.
18Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso;
Ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal.
19Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios:
Ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.
20 # Awit 107:14. Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain;
Na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang.
21Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto,
Sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak.
22Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim;
Nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis.
23Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig:
Siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga.
24 # Job 41:1, 2. May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod,
O may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo?

Kasalukuyang Napili:

JOB 40: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya