Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 39:1-30

Job 39:1-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan, o ang panahon na ang usa ay magsisilang? Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan? Alam mo ba kung kailan ito iluluwal? Namasdan mo ba habang sila ay gumagapang sa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang? Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang at kapag malaki na ay tuluyang lumilisan. “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno? Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino? Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan, at doon sa maalat na kapatagan. Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay, walang makapagpaamo at hindi mautusan. Ang pastulan nila'y ang kaburulan, hinahanap nila'y sariwang damuhan. “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho? Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra? Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit, at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid? Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya? Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya? Umaasa ka ba na siya ay magbabalik upang sa ani mo ay siya ang gumiik? “Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay, nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal? Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan. Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, o baka madurog ng mailap na nilalang. Sa mga inakay niya siya ay malupit, hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit, sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan, di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan. Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo, pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo. “Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo? Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito? Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang, at kapag humalinghing ay kinatatakutan? Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa, at napakabilis tumakbo upang makidigma. Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig. Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay, sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang. Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong. Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya. Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa; maging ang utos ng kapitan sa mga kasama. “Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad, kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak? Naghihintay ba ng iyong utos ang agila, upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya? Matataas na bato ang kanyang tirahan, mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan. Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan, kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw. Sa kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay, at tiyak na naroon siya kung saan mayroong bangkay.”

Job 39:1-30 Ang Salita ng Dios (ASND)

“Alam mo ba kung kailan nanganganak ang mga kambing-gubat? Nakakita ka na ba ng usa na nanganganak? Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak? Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak. Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik. “Sino ang nagpalaya sa asnong-gubat? Ibinigay ko sa kanya ang ilang para kanyang tirhan, pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan. Lumalayo siya sa maingay na bayan at ayaw niyang siya ay mapaamo. Paikot-ikot siya sa mga kabundukan para maghanap ng sariwang pastulan. “Mapagtatrabaho mo ba ang bakang-gubat? Mapapanatili mo kaya siya sa kanyang kulungan kung gabi? Matatalian mo kaya siya at mapag-aararo sa iyong bukid? Makakaasa ka kaya sa lakas niya para gawin ang mabibigat na gawain? Maaasahan mo kaya siyang tipunin at hakutin ang iyong ani papunta sa giikan? “Napakagandang tingnan ng pakpak ng malaking ibong kapag itoʼy pumapagaspas, pero hindi nito mapantayan ang ganda ng pakpak ng tagak. Iniiwanan ng malaking ibong ito ang kanyang mga itlog sa lupa para mainitan. Hindi siya nag-aalalang baka matapakan ito o madaganan ng mga hayop sa gubat. Malupit siya sa kanyang mga sisiw, parang hindi kanya kung ituring. Hindi siya nag-aalala na ang pinaghirapan niya ay mawawalan ng kabuluhan. Sapagkat hindi ko siya binigyan ng karunungan at pang-unawa. Pero kapag tumakbo na siya, tinatawanan niya ang kabayo at ang sakay nito. “Job, ikaw ba ang nagbibigay ng lakas sa kabayo? Ikaw din ba ang naglagay ng kanyang kiling? Ikaw ba ang nagpapalukso sa kanya gaya ng isang balang at nagpapatakot sa mga tao kapag siya ay sumisinghal? Kumakahig siya sa lupa na parang ipinagmamalaki ang kanyang lakas. Pagkatapos ay tumatakbo siya papunta sa digmaan. Wala siyang kinatatakutan, ni hindi siya natatakot sa espada. Kumakalansing at kumikislap ang mga sandata ng sumasakay sa kanya. Lumilipad ang alikabok sa bilis ng kanyang pagtakbo. Hindi na siya mapigilan kapag tumunog na ang trumpeta. Sumisinghal siya kapag naririnig ang trumpeta. Naaamoy niya ang digmaan kahit sa malayo, at naririnig niya ang ingay ng digmaan at ang sigaw ng mga kumander. “Ikaw ba ang nagtuturo sa lawin na lumipad at pumunta sa timog? Ikaw ba ang nag-uutos sa agila na lumipad at gumawa ng kanyang pugad sa mataas na dako? Nakatira ang agila sa mataas na bato. Ang matarik na lugar ang kanyang taguan. Mula roon naghahanap siya ng madadagit, kahit ang malayo ay naaabot ng kanyang paningin. At kapag may nakita siyang bangkay ay pinupuntahan niya, at ang dugo nito ang iniinom ng kanyang mga inakay.”

Job 39:1-30 Ang Biblia (TLAB)

Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? Na ginawa kong bahay niya ang ilang, at ang lupaing maasin na kaniyang tahanan. Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, at kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, at pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, at pinaiinit ang mga yaon sa alabok, At kinalilimutang mangapipisa ng paa, o mangayuyurakan ng mabangis na hayop. Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, ni hindi siya binahaginan ng unawa. Anomang panahon na siya'y napaiitaas, hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: ni hindi tinatalikuran ang tabak. Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, ang makintab na sibat at ang kalasag. Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, at iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, at gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, sa taluktok ng burol at sa katibayan, Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: at kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.

Job 39:1-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan, o ang panahon na ang usa ay magsisilang? Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan? Alam mo ba kung kailan ito iluluwal? Namasdan mo ba habang sila ay gumagapang sa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang? Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang at kapag malaki na ay tuluyang lumilisan. “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno? Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino? Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan, at doon sa maalat na kapatagan. Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay, walang makapagpaamo at hindi mautusan. Ang pastulan nila'y ang kaburulan, hinahanap nila'y sariwang damuhan. “Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho? Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra? Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit, at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid? Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya? Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya? Umaasa ka ba na siya ay magbabalik upang sa ani mo ay siya ang gumiik? “Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay, nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal? Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan, ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan. Di niya iniisip na baka ito'y matapakan, o baka madurog ng mailap na nilalang. Sa mga inakay niya siya ay malupit, hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit, sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan, di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan. Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo, pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo. “Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo? Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito? Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang, at kapag humalinghing ay kinatatakutan? Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa, at napakabilis tumakbo upang makidigma. Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib, sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig. Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay, sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang. Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon, hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong. Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya. Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa; maging ang utos ng kapitan sa mga kasama. “Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad, kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak? Naghihintay ba ng iyong utos ang agila, upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya? Matataas na bato ang kanyang tirahan, mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan. Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan, kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw. Sa kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay, at tiyak na naroon siya kung saan mayroong bangkay.”

Job 39:1-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nalalaman mo ba ang panahong ipinanganganak ng mga kambing bundok? O matatandaan mo ba ang mga pagdaramdam ng mga usa? Mabibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang kagampanan? O nalalaman mo ba ang panahong kanilang ipinanganak? Sila'y nagsisiyuko, kanilang inilalabas ang kanilang mga anak, Kaniyang iniwawaksi ang kanilang kapanglawan. Ang kanilang mga anak ay nagiging malakas, sila'y nagsisilaki sa kaparangan; Sila'y nagsisiyao at hindi na nagsisibalik. Sinong nagpakawala sa mabangis na asno? O sinong nagkalag ng mga tali ng mailap na asno? Na ginawa kong bahay niya ang ilang, At ang lupaing maasin na kaniyang tahanan. Kaniyang nililibak ang kaguluhan ng bayan. Ni hindi niya dinidinig ang sigaw ng nagpapatakbo ng hayop. Ang libot ng mga bundok ay kaniyang pastulan, At kaniyang sinasaliksik ang bawa't sariwang bagay. Matutuwa ba ang bakang gubat na maglingkod sa iyo? O matitira ba sa siping ng iyong pasabsaban? Matatalian mo ba ang bakang gubat ng iyong panali sa pangbukid? O magbubusagsag ba ng mga libis sa likuran mo? Aasa ka ba sa kaniya, dahil sa siya'y totoong malakas? O iiwan mo ba ang iyong gawain sa kaniya? Ipagkakatiwala mo ba sa kaniya na iuuwi sa bahay ang iyong binhi, At pipisanin ang mga butil sa iyong giikan? Ang pakpak ng avestruz ay nagagalak; Nguni't may kagandahang loob ba ang kanilang mga pakpak at mga balahibo? Sapagka't nagiiwan ng kaniyang mga itlog sa lupa, At pinaiinit ang mga yaon sa alabok, At kinalilimutang mangapipisa ng paa, O mangayuyurakan ng mabangis na hayop. Siya'y nagmamatigas laban sa kaniyang mga sisiw na tila hindi kaniya: Bagaman ang kaniyang gawa ay mawalang kabuluhan, hindi niya ikinatatakot; Sapagka't binawian siya ng Dios ng karunungan, Ni hindi siya binahaginan ng unawa. Anomang panahon na siya'y napaiitaas, Hinahamak niya ang kabayo at ang sakay nito. Nagbigay ka ba sa kabayo ng kalakasan? Binihisan mo ba ang kaniyang leeg ng buhok na gumagalaw? Pinalulukso mo ba siya na parang balang? Ang kaluwalhatian ng kaniyang bahin ay kakilakilabot. Siya'y kumukutkot sa libis, at nagagalak sa kaniyang kalakasan, Siya'y sumasagupa sa mga taong may sandata. Tinutuya niya ang takot at hindi nanglulupaypay: Ni hindi tinatalikuran ang tabak. Ang suksukan ng pana ay tumutunog laban sa kaniya, Ang makintab na sibat at ang kalasag. Kaniyang sinasakmal ang lupa na may kabangisan at poot; Ni hindi siya naniniwala na yao'y tunog ng pakakak. Kaniyang sinasabi sa tuwing tutunog ang mga pakakak: Aha! At kaniyang naaamoy ang pagbabaka sa malayo, Ang sigaw ng mga kapitan at ang hiyaw. Lumilipad ba ang uwak sa pamamagitan ng inyong karunungan, At iniuunat ba ang kaniyang mga pakpak sa dakong timugan? Napaiilanglang ba ang agila sa iyong utos, At gumagawa ba ng kaniyang pugad sa itaas? Sila'y nananahan sa malaking bato, at doon tumitira, Sa taluktok ng burol at sa katibayan, Mula roo'y tumitingin siya ng madadagit; Ang kaniyang mga mata ay tumatanaw sa malayo. Ang mga anak naman niya ay nagsisihitit ng dugo: At kung saan naroon ang pinatay ay naroon siya.