Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 39

39
1Ang panganganak ng mga kambing, alam mo ba kung kailan,
o ang panahon na ang usa ay magsisilang?
2Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan?
Alam mo ba kung kailan ito iluluwal?
3Namasdan mo ba habang sila ay gumagapang
sa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang?
4Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parang
at kapag malaki na ay tuluyang lumilisan.
5“Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno?
Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino?
6Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan,
at doon sa maalat na kapatagan.
7Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay,
walang makapagpaamo at hindi mautusan.
8Ang pastulan nila'y ang kaburulan,
hinahanap nila'y sariwang damuhan.
9“Ang mailap na toro iyo kayang mapagtrabaho?
Maitali mo kaya siya isang gabi sa iyong kuwadra?
10Matatalian mo kaya siya ng lubid upang sa pag-aararo ay magamit,
at sa paghila ng suyod sa iyong mga bukid?
11Iyo bang maaasahan ang lakas na taglay niya?
Mabibigat mong gawai'y maipagkakatiwala ba sa kanya?
12Umaasa ka ba na siya ay magbabalik
upang sa ani mo ay siya ang gumiik?
13“Ang pakpak ng ostrits buong gandang kumakampay,
nagbabadya kaya iyon kahit bahagyang pagmamahal?
14Ang kanyang mga itlog sa lupa ay iniiwan,
ito'y hinahayaang sa lupa ay mainitan.
15Di niya iniisip na baka ito'y matapakan,
o baka madurog ng mailap na nilalang.
16Sa mga inakay niya siya ay malupit,
hindi niya alintanang hirap niya'y di masulit,
17sapagkat pang-unawa ay di ko siya binigyan,
di ko hinatian ng kahit kaunting katalinuhan.
18Ngunit napakabilis kapag siya'y tumatakbo,
pinagtatawanan lang niya kahit ang kabayo.
19“Ikaw ba ang nagbigay ng lakas sa kabayo?
Ikaw ba ang naglagay ng magandang buhok nito?
20Ikaw ba ang nagpapalukso dito na parang balang,
at kapag humalinghing ay kinatatakutan?
21Nagpapakitang-gilas sa pagkamot niya sa lupa,
at napakabilis tumakbo upang makidigma.
22Siya ay nagtatawa sa gitna ng panganib,
sa tabak na nakaumang, hindi siya nanginginig.
23Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay,
sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang.
24Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon,
hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong.
25Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya.
Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa;
maging ang utos ng kapitan sa mga kasama.
26“Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad,
kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak?
27Naghihintay ba ng iyong utos ang agila,
upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya?
28Matataas na bato ang kanyang tirahan,
mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan.
29Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan,
kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw.
30Sa#Mt. 24:28; Lu. 17:37. kanyang mga inakay, dugo ang ibinubuhay,
at tiyak na naroon siya kung saan mayroong bangkay.”

Kasalukuyang Napili:

Job 39: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya