Job 23:10-11
Job 23:10-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang; kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan. Pagkat landas niya'y aking nilakaran, hindi ako lumihis sa ibang daanan.
Job 23:10-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit alam niya ang ginagawa ko. Pagkatapos na masubukan niya ako, makikita niyang malinis ako tulad ng lantay na ginto. Sinunod ko ang kanyang mga pamamaraan; hindi ko ito sinuway.
Job 23:10-11 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't nalalaman niya ang daang aking nilalakaran; pagka kaniyang nasubok ako ay lalabas akong parang ginto. Ang aking paa ay sumunod na lubos sa kaniyang mga hakbang. Ang kaniyang daan ay aking iningatan, at hindi ako lumiko.