Job 13:1-4
Job 13:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, Ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: Hindi ako huli sa inyo. Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, At nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Job 13:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin, Ang alam mo'y alam ko rin, hindi ka higit sa akin. Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan, sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan. Ngunit kayo'y mga sinungaling, tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin.
Job 13:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Nakita koʼt napakinggan ang lahat ng sinabi ninyo, at itoʼy aking naunawaan. Ang alam ninyo ay alam ko rin. Hindi kayo nakahihigit sa akin. Pero hindi na ako makikipagtalo sa inyo tungkol sa kalagayan ko. Sa Makapangyarihang Dios ko na lang ito idudulog. Sapagkat pinagsisikapan ninyong gamutin ako ng kasinungalingan. Lahat kayoʼy parang manggagamot na walang silbi.
Job 13:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Narito, nakita ang lahat na ito ng aking mata, ang aking tainga ay nakarinig at nakaunawa. Kung ano ang iyong nalalaman, ay nalalaman ko rin naman: hindi ako huli sa inyo. Walang pagsalang ako'y magsasalita sa Makapangyarihan sa lahat, at nagnanasa akong makipagmatuwiranan sa Dios. Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.
Job 13:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)