Job 12:7-10
Job 12:7-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: At ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; At ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo. Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, Na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, At ang hininga ng lahat ng mga tao.
Job 12:7-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sa mga hayop at mga ibon ika'y may matututunan, magtanong ka sa kanila, at ikaw ay tuturuan. Kausapin mo ang lupa at ikaw ay tuturuan, magpapahayag sa iyo ang mga isda sa karagatan. Silang lahat ay nakakaalam na ang Diyos ang sa kanila'y lumalang. Ang Diyos ang nagpapagalaw sa lahat ng bagay, ang buhay ng bawat isa ay nasa kanyang mga kamay.
Job 12:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Matututo ka sa ibaʼt ibang hayop – ang lumalakad, lumilipad, gumagapang, at ang lumalangoy. Sapagkat alam nila na ang PANGINOON ang may gawa nito. Nasa kamay niya ang buhay o hininga ng bawat nilalang, pati na ng tao.
Job 12:7-10 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't tanungin mo ngayon ang mga hayop, at tuturuan ka nila: at ang mga ibon sa himpapawid, at kanilang sasaysayin sa iyo: O magsalita ka sa lupa, at magtuturo sa iyo; at ang mga isda sa dagat ay magsasaysay sa iyo. Sinong hindi nakakaalam sa lahat ng mga ito, na ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa nito? Nasa kamay niya ang kaluluwa ng bawa't bagay na may buhay, at ang hininga ng lahat ng mga tao.
Job 12:7-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)