Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Jeremias 9:1-24

Jeremias 9:1-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Sana'y naging balon ng tubig itong aking ulo, at bukal ng luha itong mata ko, upang ako'y may iluha sa maghapon at magdamag para sa aking mga kababayang namatay. Sana'y may mapagtaguan ako doon sa disyerto, kung saan malayo ako sa aking mga kababayan. Sila'y mapakiapid at pawang mga taksil. Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan; kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan. Ganito ang sabi ni Yahweh: “Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan, at ako'y hindi nila nakikilala.” Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan, kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan; sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob, at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan. Ang lahat ay nandaraya sa kanyang kapwa, walang nagsasabi ng katotohanan; dila nila'y sanay sa pagsisinungaling, sila'y patuloy sa pagkakasala, at hindi naiisip ang magsisi. Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na, hindi tumitigil sa pandaraya sa iba. Kahit na si Yahweh hindi kinikilala. Kaya sinabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, “Pahihirapan ko ang bansang ito upang sila'y subukin. Sapagkat ano pa ang aking magagawa sa bayan kong naging masama? Parang makamandag na pana ang kanilang mga dila, lahat ng sinasabi ay pawang pandaraya. Magandang mangusap sa kanilang kapwa, ngunit ang totoo, balak nila ay masama. Hindi ba nararapat na parusahan ko sila? Hindi ba dapat lang na maghiganti ako sa kanila? Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.” Ang sabi ni Jeremias, “Ang mga bundok ay aking tatangisan, at iiyakan ko ang mga pastulan; sapagkat natuyo na ang mga damo, at wala nang nagdaraang tao. Hindi na naririnig ang unga ng mga baka; pati mga ibon at hayop sa gubat ay nag-alisan na.” Ang sabi ni Yahweh: “Ang Jerusalem ay wawasakin ko. Kanyang mga pader, paguguhuin ko, at wala nang maninirahan doon kundi mga asong-gubat. Magiging disyerto, mga lunsod ng Juda, wala nang taong doon ay titira.” At nagtanong si Jeremias, “Yahweh, bakit po nasalanta ang lupain at natuyo tulad sa isang disyerto, kaya wala nang may gustong dumaan? Sinong matalino ang makakaunawa nito? Kanino ninyo ipinaliwanag ang nangyaring ito upang masabi naman niya sa iba?” Sumagot si Yahweh, “Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin. Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang. Kaya, akong si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ganito ang gagawin ko. Mapapait na halaman ang ipapakain ko sa kanila at tubig na may lason ang ipapainom ko sa kanila. Pangangalatin ko sila sa iba't ibang bansa, mga bansang ni hindi man lamang nabalitaan ng kanilang mga magulang. At magpapadala ako ng mga hukbong sasalakay sa kanila hanggang sa lubusan silang malipol.” Ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Isipin ninyo ang mga nangyayari! Tawagin ninyo ang mga taga-iyak, ang mga babaing sanay managhoy.” Sabi naman ng mga tao, “Pagmadaliin sila upang managhoy para sa atin, hanggang sa bumalong ang ating mga luha at mamugto sa pag-iyak ang ating mga mata.” Dinggin mo ang panaghoy sa Zion, “Nasalanta na tayo! Napakalaking kahihiyan nito! Lisanin na natin ang ating lupain; sapagkat wasak na, mga tahanan natin.” Sinabi naman ni Jeremias, “Mga babae, pakinggan ninyo si Yahweh, at unawain ang kanyang sinasabi. Turuan ninyong managhoy ang inyong mga anak na babae, gayon din ang kanilang mga kaibigan. Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan, at sa magagarang palasyo; pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan, at ang mga kabataang nasa pamilihan. Nagkalat kahit saan ang mga bangkay, tila bunton ng dumi sa kabukiran, parang uhay na ginapas ng mga mang-aani at saka iniwang walang nag-iipon. Ito ang ipinapasabi sa akin ni Yahweh.” Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan. Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh ang nagsasabi nito.”

Jeremias 9:1-24 Ang Salita ng Dios (ASND)

“Kung balon sana ng tubig ang aking ulo, at ang aking mga mata ay bukal ng luha, iiyak ako araw at gabi para sa mga kababayan kong pinatay. Kung mayroon lang sana akong matitirhan sa ilang para makalayo ako sa mga kababayan ko, dahil silang lahat ay nagtaksil na parang mga babaeng nangangalunya.” Sinabi ng PANGINOON, “Lagi silang handang magsinungaling na parang pana na handa nang itudla. Kasinungalingan ang namamayani sa lupaing ito at hindi ang katotohanan. Malala na ang paggawa nila ng kasalanan at hindi nila ako kinikilala. “Mag-ingat kayo sa kapwa nʼyo at huwag kayong magtiwala sa mga kamag-anak nʼyo, dahil ang bawat isa ay mandaraya at naninira ng kapwa. Dinadaya ng bawat isa ang kapwa niya at wala ni isa ang nagsasalita ng katotohanan. Sanay na sa pagsisinungaling ang mga dila nila at pinapagod nila ang sarili nila sa paggawa ng kasalanan. Puro na lang pandaraya ang ginagawa nila, at dahil sa pandaraya ay ayaw na nila akong kilalanin. Kaya ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ay nagsasabing dadalisayin ko sila na parang metal at susubukin ko sila. Ano pa ang maaari kong gawin sa kanila? Ang kanilang mga dila ay parang panang nakakamatay. Puro na lang pandaraya ang kanilang sinasabi. Nakikipag-usap sila nang mabuti sa kapwa nila pero sa puso nilaʼy masama ang binabalak nila. Hindi baʼt nararapat ko silang parusahan? Hindi ba dapat na paghigantihan ko ang bansang katulad nito? Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.” Sinabi ni Jeremias: Iiyak ako ng malakas para sa mga kabundukan at mananaghoy ako para sa mga pastulan. Dahil malungkot na ito at wala nang dumadaan. Hindi na marinig ang unga ng mga baka, at nag-alisan na ang mga ibon at mga hayop. Dahil sinabi ng PANGINOON, “Wawasakin ko ang Jerusalem, at magiging tirahan ito ng mga asong-gubat. Gagawin kong parang ilang ang mga bayan ng Juda at wala nang titira rito.” Nagtanong ako sa PANGINOON, “Sino pong marunong na tao ang makakaunawa sa mga pangyayaring ito? Kanino nʼyo po ipinaliwanag ang tungkol dito para maipaliwanag ito sa mga tao? Bakit po nawasak ang lupaing ito at naging parang ilang na hindi na dinadaanan?” Sumagot ang PANGINOON, “Nangyari ito dahil hindi nila sinunod ang mga utos na ibinigay ko sa kanila. Hindi sila sumunod sa akin o sa mga utos ko. Sa halip, sinunod nila ang kapasyahan ng matigas nilang mga puso. Sumamba sila kay Baal, gaya ng itinuro sa kanila ng mga ninuno nila. Kaya ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ang Dios ng Israel ay nagsabing pakakainin ko ang mga taong ito ng mapait na pagkain at paiinumin ng tubig na may lason. Ipapangalat ko sila sa mga bansang hindi nila kilala maging ng mga ninuno nila. Magpapadala ako ng hukbong sasalakay sa kanila para lubusan silang malipol.” Sinabi pa ng PANGINOONG Makapangyarihan, “Isipin nʼyo kung ano ang mga nangyayari! Tawagin nʼyo ang mga babaeng tagaiyak, lalo na ang mga sanay sa pag-iyak. Pagmadaliin silang pumunta para iyakan ang mga mamamayan ko hanggang sa dumaloy ang kanilang luha. Pakinggan ang mga pag-iyak sa Jerusalem. Sinasabi ng mga tao, ‘Nawasak tayo! Nakakahiya ang nangyaring ito sa atin! Kailangang iwan na natin ang ating lupain dahil nawasak na ang ating mga tahanan!’ ” Ngayon, kayong mga babae, pakinggan ninyo ang sinasabi ng PANGINOON. Pakinggan ninyo itong mabuti. Turuan ninyo ang inyong mga anak na babae at ang inyong kapwa na umiyak at managhoy. Dumating ang kamatayan sa ating mga sambahayan at sa matitibay na bahagi ng ating lungsod. Pinatay ang mga bata na naglalaro sa mga lansangan at ang mga kabataang lalaki na nagkakatipon sa mga plasa. At sinabi ng PANGINOON, “Kakalat ang mga bangkay na parang mga dumi sa kabukiran, at parang mga butil na naiwan ng mga nag-aani, at wala nang kukuha sa mga ito. Hindi dapat ipagmalaki ng marunong ang karunungan niya, o ng malakas ang kalakasan niya, o ng mayaman ang kayamanan niya. Kung gusto ng sinuman na magmalaki, dapat lang niyang ipagmalaki na kilala niya ako at nauunawaan niyang ako ang PANGINOONG mapagmahal na gumagawa ng tama at matuwid dito sa mundo, dahil iyon ang kinalulugdan ko. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.

Jeremias 9:1-24 Ang Biblia (TLAB)

Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan! Oh kung magkaroon ako sa ilang ng patuluyan sa mga naglalakad; upang aking maiwan ang aking bayan, at lisanin ko sila! sapagka't silang lahat ay mangangalunya, kapulungan ng mga taong taksil! At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon. Mangagingat bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid; sapagka't bawa't kapatid ay mangaagaw, at bawa't kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri. At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan. Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya: dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin, sabi ng Panginoon. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan? Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya. Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito? Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis, at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy, sapagka't nasunog ang mga yaon, na anopa't walang dumaraan; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas, ang mga ito'y nagsiyaon. At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem, na tahanang dako ng mga chakal; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na walang mananahan. Sino ang pantas na makakaunawa nito? at sino siya na pinagsalitaan ng bibig ng Panginoon, upang kaniyang maipahayag? bakit ang lupain ay napupugnaw at nasusunog na parang ilang, na anopa't walang dumaraan? At sinabi ng Panginoon, Sapagka't kanilang pinabayaan ang aking kautusan na aking inilagay sa harap nila, at hindi nagsisunod sa aking tinig, o nilakaran man nila; Kundi sila'y nagsisunod sa pagmamatigas ng kanilang sariling puso, at nagsisunod sa mga Baal, na itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang; Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking pakakanin sila, ang bayang ito, ng ajenjo, at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin. Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa, na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man; at ipahahabol ko sila sa tabak, hanggang sa aking malipol sila. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y mangagdilidili, at magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae, upang sila'y mangakaparito: At mangagmadali sila, at mangaglakas sila ng panangis dahil sa atin, upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha, at ang ating mga talukapmata ay labasan ng tubig. Sapagka't ang tinig ng panangis ay naririnig mula sa Sion, Ano't tayo'y nasisira! tayo'y lubhang nangalito, sapagka't ating pinabayaan ang lupain, sapagka't kanilang ibinagsak ang ating mga tahanan. Gayon ma'y inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga babae, at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis, at turuan ng bawa't isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy. Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan. Salitain mo: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang, at parang bigkis sa likod ng manggagapas: at walang dadampot. Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan; Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon.

Jeremias 9:1-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Sana'y naging balon ng tubig itong aking ulo, at bukal ng luha itong mata ko, upang ako'y may iluha sa maghapon at magdamag para sa aking mga kababayang namatay. Sana'y may mapagtaguan ako doon sa disyerto, kung saan malayo ako sa aking mga kababayan. Sila'y mapakiapid at pawang mga taksil. Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan; kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan. Ganito ang sabi ni Yahweh: “Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan, at ako'y hindi nila nakikilala.” Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan, kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan; sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob, at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan. Ang lahat ay nandaraya sa kanyang kapwa, walang nagsasabi ng katotohanan; dila nila'y sanay sa pagsisinungaling, sila'y patuloy sa pagkakasala, at hindi naiisip ang magsisi. Ang kanilang kasalanan ay patung-patong na, hindi tumitigil sa pandaraya sa iba. Kahit na si Yahweh hindi kinikilala. Kaya sinabi ni Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, “Pahihirapan ko ang bansang ito upang sila'y subukin. Sapagkat ano pa ang aking magagawa sa bayan kong naging masama? Parang makamandag na pana ang kanilang mga dila, lahat ng sinasabi ay pawang pandaraya. Magandang mangusap sa kanilang kapwa, ngunit ang totoo, balak nila ay masama. Hindi ba nararapat na parusahan ko sila? Hindi ba dapat lang na maghiganti ako sa kanila? Ako, si Yahweh, ang nagsasabi nito.” Ang sabi ni Jeremias, “Ang mga bundok ay aking tatangisan, at iiyakan ko ang mga pastulan; sapagkat natuyo na ang mga damo, at wala nang nagdaraang tao. Hindi na naririnig ang unga ng mga baka; pati mga ibon at hayop sa gubat ay nag-alisan na.” Ang sabi ni Yahweh: “Ang Jerusalem ay wawasakin ko. Kanyang mga pader, paguguhuin ko, at wala nang maninirahan doon kundi mga asong-gubat. Magiging disyerto, mga lunsod ng Juda, wala nang taong doon ay titira.” At nagtanong si Jeremias, “Yahweh, bakit po nasalanta ang lupain at natuyo tulad sa isang disyerto, kaya wala nang may gustong dumaan? Sinong matalino ang makakaunawa nito? Kanino ninyo ipinaliwanag ang nangyaring ito upang masabi naman niya sa iba?” Sumagot si Yahweh, “Nangyari ito sapagkat tinalikuran ng aking bayan ang kautusang ibinigay ko sa kanila at hindi sila sumunod sa akin. Sa halip, nagmatigas sila at sumamba sa diyus-diyosang si Baal, gaya ng itinuro ng kanilang mga magulang. Kaya, akong si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel, ganito ang gagawin ko. Mapapait na halaman ang ipapakain ko sa kanila at tubig na may lason ang ipapainom ko sa kanila. Pangangalatin ko sila sa iba't ibang bansa, mga bansang ni hindi man lamang nabalitaan ng kanilang mga magulang. At magpapadala ako ng mga hukbong sasalakay sa kanila hanggang sa lubusan silang malipol.” Ang sabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: “Isipin ninyo ang mga nangyayari! Tawagin ninyo ang mga taga-iyak, ang mga babaing sanay managhoy.” Sabi naman ng mga tao, “Pagmadaliin sila upang managhoy para sa atin, hanggang sa bumalong ang ating mga luha at mamugto sa pag-iyak ang ating mga mata.” Dinggin mo ang panaghoy sa Zion, “Nasalanta na tayo! Napakalaking kahihiyan nito! Lisanin na natin ang ating lupain; sapagkat wasak na, mga tahanan natin.” Sinabi naman ni Jeremias, “Mga babae, pakinggan ninyo si Yahweh, at unawain ang kanyang sinasabi. Turuan ninyong managhoy ang inyong mga anak na babae, gayon din ang kanilang mga kaibigan. Nakapasok na ang kamatayan sa ating mga tahanan, at sa magagarang palasyo; pinuksa niya ang mga batang nasa lansangan, at ang mga kabataang nasa pamilihan. Nagkalat kahit saan ang mga bangkay, tila bunton ng dumi sa kabukiran, parang uhay na ginapas ng mga mang-aani at saka iniwang walang nag-iipon. Ito ang ipinapasabi sa akin ni Yahweh.” Ang sabi ni Yahweh: “Huwag ipagmayabang ng matatalino ang kanyang karunungan o ng malakas ang lakas na kanyang taglay ni ng mayaman ang kanyang kayamanan. Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang pagkakilala't pagkaunawa sa akin, sapagkat ang aking pag-ibig ay hindi nagbabago, makatarungan at matuwid ang mga ginagawa ko. Ito ang mga bagay na nais ko. Ako, si Yahweh ang nagsasabi nito.”

Jeremias 9:1-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan! Oh kung magkaroon ako sa ilang ng patuluyan sa mga naglalakad; upang aking maiwan ang aking bayan, at lisanin ko sila! sapagka't silang lahat ay mangangalunya, kapulungan ng mga taong taksil! At pinamimilantik nila ang kanilang dila gaya ng kanilang busog, dahil sa kabulaanan; at sila'y nagsisitakas sa lupain, nguni't hindi para sa katotohanan: sapagka't sila'y nagpatuloy mula sa kasamaan hanggang sa kasamaan, at hindi nila ako nakikilala, sabi ng Panginoon. Mangagingat bawa't isa sa inyo sa kaniyang kapuwa, at huwag kayong mangagkatiwala sa kanino mang kapatid; sapagka't bawa't kapatid ay mangaagaw, at bawa't kapuwa ay makikisama sa mapanirang puri. At mangagdaya bawa't isa sa kanila sa kaniyang kapuwa, at hindi mangagsasalita ng katotohanan: kanilang tinuruan ang kanilang dila na magsalita ng kabulaanan; sila'y nangagpakapagod upang gumawa ng kasamaan. Ang iyong tahanan ay nasa gitna ng pangdadaya: dahil sa pangdadaya ay ayaw silang kumilala sa akin, sabi ng Panginoon. Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Narito, aking lilituhin sila, at susubukin sila; sapagka't ano pa ang aking magagawa, dahil sa anak na babae ng aking bayan? Ang kanilang dila ay panang nakamamatay; nagsasalita ng karayaan: nagsasalitang may kapayapaan ng kaniyang bibig sa kaniyang kapuwa, nguni't bumabakay siya ng kaniyang puso sa kaniya. Hindi ko baga dadalawin sila dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ako sa isang bansa na gaya nito? Sa mga bundok ay maglalakas ako ng pagiyak at pananangis, at sa mga sabsaban sa ilang ay panaghoy, sapagka't nasunog ang mga yaon, na anopa't walang dumaraan; hindi man narinig ng mga tao ang angal ng kawan; ang mga ibon sa himpapawid at gayon din ang mga hayop sa parang ay nagsitakas, ang mga ito'y nagsiyaon. At aking gagawin na mga bundok ang Jerusalem, na tahanang dako ng mga chakal; at aking sisirain ang mga bayan ng Juda, na walang mananahan. Sino ang pantas na makakaunawa nito? at sino siya na pinagsalitaan ng bibig ng Panginoon, upang kaniyang maipahayag? bakit ang lupain ay napupugnaw at nasusunog na parang ilang, na anopa't walang dumaraan? At sinabi ng Panginoon, Sapagka't kanilang pinabayaan ang aking kautusan na aking inilagay sa harap nila, at hindi nagsisunod sa aking tinig, o nilakaran man nila; Kundi sila'y nagsisunod sa pagmamatigas ng kanilang sariling puso, at nagsisunod sa mga Baal, na itinuro sa kanila ng kanilang mga magulang; Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking pakakanin sila, ang bayang ito, ng ajenjo, at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin. Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa, na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man; at ipahahabol ko sila sa tabak, hanggang sa aking malipol sila. Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y mangagdilidili, at magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae, upang sila'y mangakaparito: At mangagmadali sila, at mangaglakas sila ng panangis dahil sa atin, upang ang ating mga mata ay daluyan ng mga luha, at ang ating mga talukap-mata ay labasan ng tubig. Sapagka't ang tinig ng panangis ay naririnig mula sa Sion, Ano't tayo'y nasisira! tayo'y lubhang nangalito, sapagka't ating pinabayaan ang lupain, sapagka't kanilang ibinagsak ang ating mga tahanan. Gayon ma'y inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh ninyong mga babae, at tanggapin ng inyong pakinig ang salita ng kaniyang bibig; at turuan ninyo ang inyong mga anak na babae ng panangis, at turuan ng bawa't isa ang kaniyang kapuwa ng panaghoy. Sapagka't ang kamatayan ay sumampa sa loob ng ating mga dungawan, ito'y pumasok sa ating mga palacio; upang ihiwalay ang mga anak sa labas, at ang mga binata sa mga lansangan. Salitain mo: Ganito ang sabi ng Panginoon, Ang mga bangkay ng mga tao ay mangabubuwal na parang dumi sa luwal na parang, at parang bigkis sa likod ng manggagapas: at walang dadampot. Ganito ang sabi ng Panginoon, Huwag magmapuri ang pantas sa kaniyang karunungan, o magmapuri man ang makapangyarihan sa kaniyang kapangyarihan, huwag magmapuri ang mayaman sa kaniyang kayamanan; Kundi magmapuri sa ganito ang lumuluwalhati, na kaniyang nauunawa, at kaniyang nakikilala ako, na ako ang Panginoon na nagsasagawa sa lupa ng kagandahang-loob, kahatulan at katuwiran; sapagka't sa mga bagay na ito ay nalulugod ako, sabi ng Panginoon.