Mga Hukom 3:7-30
Mga Hukom 3:7-30 Ang Salita ng Dios (ASND)
Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng PANGINOON dahil kinalimutan nila ang PANGINOON na kanilang Dios at sumamba sila sa mga imahen ni Baal at ni Ashera. Dahil dito, labis na nagalit ang PANGINOON sa kanila, kaya hinayaan niya silang matalo ni Haring Cushan Rishataim ng Aram Naharaim. Silaʼy sinakop nito sa loob ng walong taon. Pero nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa PANGINOON, binigyan sila ng isang tao na magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb. Ginabayan siya ng Espiritu ng PANGINOON, at pinamunuan niya ang Israel. Nakipaglaban siya kay Haring Cushan Rishataim ng Aram, at pinagtagumpay siya ng PANGINOON. Kaya nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng 40 taon. At pagkatapos ay namatay si Otniel. Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng PANGINOON. Dahil dito, ipinasakop sila ng PANGINOON kay Haring Eglon ng Moab. Sa tulong ng mga Ammonita at Amalekita, nilusob at tinalo ni Eglon ang Israel, at sinakop ang lungsod ng Jerico. Sinakop sila ni Eglon sa loob ng 18 taon. Muling humingi ng tulong ang mga Israelita sa PANGINOON at binigyan sila ng isang tao na magliligtas sa kanila. Siya ay ang kaliweteng si Ehud na anak ni Gera na mula sa lahi ni Benjamin. Ipinadala siya ng mga Israelita kay Haring Eglon ng Moab para ibigay dito ang buwis ng Israel. Bago siya umalis, gumawa siya ng isang espada na magkabila ang talim na may kalahating metro ang haba. Itinali niya ito sa kanyang kanang hita sa ilalim ng kanyang damit. Nang naroon na siya, ibinigay niya ang buwis kay Haring Eglon na napakatabang tao. Nang maibigay ni Ehud ang buwis, pinauwi niya ang mga kasamahang nagdala ng buwis. Sumama siya sa kanila noong una, pero nang makarating sila sa mga inukitang bato sa Gilgal, bumalik si Ehud at sinabi sa hari, “Mahal na Hari, may lihim po akong sasabihin sa inyo.” Kaya sinabi ng hari sa mga utusan niya, “Iwan nʼyo muna kami.” At umalis ang lahat ng utusan niya. Pagkatapos, lumapit si Ehud sa hari na nakaupo sa malamig niyang kwarto sa itaas. Sinabi ni Ehud, “May mensahe ako sa inyo mula sa Dios.” Nang tumayo ang hari, binunot ni Ehud ng kaliwang kamay niya ang espada sa kanang hita niya, at sinaksak sa tiyan ang hari, at tumagos ito hanggang sa kanyang likod. At dahil mataba ang hari, bumaon pati ang hawakan ng espada. Kaya hindi na niya ito binunot. Pagkatapos, lumabas si Ehud sa kwarto at ikinandado ang mga pinto. Nang nakaalis na siya, bumalik ang mga utusan ng hari at nakita nila na sarado ang mga pinto. Akala nila nasa palikuran ang hari, kaya hindi na lang nila binuksan ang mga pinto at naghintay sila sa labas. Pero nang magtagal, hindi na sila mapalagay dahil hindi pa rin binubuksan ng hari ang mga pinto. Kaya kinuha na lang nila ang susi at binuksan ito, at nakita nila ang kanilang hari na nakahandusay sa sahig na patay na. Habang hinihintay ng mga utusan na buksan ng hari ang mga pinto, nakatakas na si Ehud. Dumaan siya sa mga imaheng bato at pumunta sa Seira. Pagdating niya sa kabundukan ng Efraim, hinipan niya ang trumpeta para tawagin ang mga Israelita sa pakikipaglaban. Pagkatapos, bumaba ang mga Israelita mula sa kabundukan sa pangunguna ni Ehud. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin dahil pagtatagumpayin kayo ng PANGINOON laban sa Moab na kalaban ninyo.” Kaya sumunod sila sa kanya at sinakop nila ang tawiran sa Ilog ng Jordan patungong Moab, at wala silang pinatawid doon ni isang tao. Nang araw na iyon, nakapatay sila ng 10,000 malalakas at matatapang na Moabita. Wala ni isang nakatakas sa kanila. Sinakop ng Israel ang Moab nang araw na iyon, at mula noon, naging mapayapa ang Israel sa loob ng 80 taon.
Mga Hukom 3:7-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at nilimot ang Panginoon nilang Dios, at naglingkod sa mga Baal at sa mga Aseroth. Kaya't ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang ipinagbili sila sa kamay ni Chusan-risathaim, na hari sa Mesopotamia: at ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Chusan-risathaim na walong taon. At nang dumaing sa Panginoon ang mga anak ni Israel ay nagbangon ang Panginoon ng isang tagapagligtas sa mga anak ni Israel, na siyang nagligtas sa kanila, sa makatuwid baga'y si Othoniel na anak ni Cenaz, na kapatid na bata ni Caleb. At ang Espiritu ng Panginoon ay sumakaniya, at siya'y naghukom sa Israel; at siya'y lumabas na nakibaka, at ibinigay ng Panginoon si Chusan-risathaim na hari sa Mesopotamia sa kaniyang kamay: at ang kaniyang kamay ay nanaig laban kay Chusan-risathaim. At nagpahinga ang lupain na apat na pung taon. At si Othoniel na anak ni Cenaz ay namatay. At ginawang muli ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon: at pinatibay ng Panginoon si Eglon na hari sa Moab laban sa Israel, sapagka't kanilang ginawa ang masama sa paningin ng Panginoon. At kaniyang tinipon ang mga anak ni Ammon at ni Amalec; at siya'y yumaon at sinaktan niya ang Israel, at kanilang inari ang bayan ng mga puno ng palma. At ang mga anak ni Israel ay naglingkod kay Eglon na labing walong taon. Nguni't nang dumaing ang mga anak ni Israel sa Panginoon, ibinangon sa kanila ng Panginoon ang isang tagapagligtas, si Aod na anak ni Gera, ang Benjamita, na isang lalaking kaliwete. At ang mga anak ni Israel, ay nagpadala ng isang kaloob sa pamamagitan niya kay Eglon na hari sa Moab. At si Aod ay gumawa ng isang tabak na may dalawang talim, na may isang siko ang haba; at kaniyang ibinigkis sa loob ng kaniyang suot, sa kaniyang dakong kanang hita. At kaniyang inihandog ang kaloob kay Eglon na hari sa Moab: at si Eglon ay lalaking napakataba. At nang siya'y matapos makapaghandog ng kaloob, ay pinapagpaalam niya ang mga tao na nagdala ng kaloob. Nguni't siya nga ay bumalik mula sa tibagan ng bato na nasa piling ng Gilgal, at nagsabi, Ako'y may isang pasugong lihim sa iyo, Oh hari. At kaniyang sinabi, Tumahimik ka. At yaong lahat na nakatayo sa siping niya, ay umalis sa harap niya. At si Aod ay naparoon sa kaniya; at siya'y nakaupong magisa sa kaniyang kabahayan na pangtaginit. At sinabi ni Aod, Ako'y may dalang pasugo sa iyo na mula sa Dios. At siya'y tumindig sa kaniyang upuan. At inilabas ni Aod ang kaniyang kaliwang kamay, at binunot ang tabak mula sa kaniyang kanang hita, at isinaksak sa kaniyang tiyan: At pati ng puluhan ay sumuot na kasunod ng talim; at natikom ang taba sa tabak, sapagka't hindi niya binunot ang tabak sa kaniyang tiyan; at lumabas sa likod. Nang magkagayo'y lumabas si Aod sa pintuan, at sinarhan niya siya sa mga pintuan ng kabahayan, at pinagtatrangkahan. Nang makalabas nga siya ay dumating ang kaniyang mga alila; at kanilang nakita, at, narito, ang mga pintuan ng kabahayan ay nakakandaduhan; at kanilang sinabi, Walang pagsalang kaniyang tinatakpan ang kaniyang mga paa sa kaniyang silid na pangtaginit. At sila'y nangaghintay hanggang sa sila'y nangapahiya; at, narito, hindi niya binuksan ang mga pintuan ng kabahayan: kaya't sila'y kumuha ng susi, at binuksan; at, narito, ang kanilang panginoon, ay nakabulagtang patay sa lupa. At tumakas si Aod samantalang sila'y nangaghihintay, at siya'y dumaan sa dako roon ng tibagan ng bato at tumakas hanggang sa Seirath. At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila. At kaniyang sinabi sa kanila, Sumunod kayo sa akin; sapagka't ibinigay ng Panginoon ang inyong mga kaaway na mga Moabita sa inyong kamay. At sila'y nagsilusong na kasunod niya, at sinakop ang mga tawiran sa Jordan laban sa mga Moabita, at hindi nila pinayagang tumawid doon ang sinomang tao. At sila'y sumakit sa Moab nang panahong yaon ng may sangpung libong lalake, bawa't lalaking may loob, at bawa't lalaking may tapang; at doo'y walang nakatakas na lalake. Gayon napasuko ang Moab nang araw na yaon, sa ilalim ng kapangyarihan ng kamay ng Israel: at ang lupa'y nagpahingang walong pung taon.
Mga Hukom 3:7-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga Israelita ay muling gumawa ng kasamaan laban sa Diyos. Tinalikuran nila si Yahweh na kanilang Diyos at sumamba sila sa mga Baal at sa mga Ashera. Dahil dito, nagalit si Yahweh sa kanila at pinabayaang masakop ni Haring Cushanrishataim ng Mesopotamia. Walong taon silang inalipin ng haring ito. Subalit nang humingi sila ng tulong kay Yahweh, ginawa niyang hukom si Otniel, anak ni Kenaz at pamangkin ni Caleb, upang ito ang magligtas sa kanila sa pagkaalipin. Nilukuban siya ng Espiritu ni Yahweh, at siya'y naging hukom at pinuno ng Israel. Nakipagdigma siya laban kay Cushanrishataim na hari ng Mesopotamia. Sa tulong ni Yahweh, natalo ito ni Otniel. Nagkaroon ng kapayapaan sa lupain sa loob ng apatnapung taon hanggang sa mamatay si Otniel na anak ni Kenaz. Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita laban kay Yahweh. Dahil dito, si Eglon na hari ng Moab ay pinalakas ni Yahweh nang higit kaysa sa Israel. Nakipagsabwatan si Eglon sa mga Ammonita at mga Amalekita. Natalo nila ang Israel at nasakop ang Lunsod ng Palma. Labing-walong taóng sakop ni Eglon ang mga Israelita. Subalit nang muling humingi ng tulong kay Yahweh ang mga Israelita, ginawa niyang hukom si Ehud na isang kaliwete, anak ni Gera buhat sa lipi ni Benjamin, upang sila'y iligtas. Siya ang pinagdala ng mga Israelita ng kanilang buwis kay Haring Eglon, kaya't si Ehud ay gumawa ng isang tabak na magkabila'y talim at isa't kalahating metro ang haba. Itinali niya ito sa kanan niyang hita, sa loob ng kanyang damit. At dinala nga ni Ehud ang mga buwis ng Israel kay Haring Eglon na isang napakatabang lalaki. Nang maibigay na ni Ehud ang mga buwis, pinauwi na niya ang mga nagbuhat nito. Ngunit pagdating sa may mga inukit na bato malapit sa Gilgal, nagbalik si Ehud sa hari at sinabi niya rito, “Kamahalan, mayroon po akong lihim na mensahe para sa inyo.” Dahil dito, sinabi ng hari sa kanyang mga lingkod, “Iwan ninyo kami.” At umalis ang lahat sa harapan ng hari. Lumapit si Ehud sa kinauupuan ng hari sa malamig na silid-pahingahan na nasa tuktok ng palasyo, at muling sinabi, “May ipinapasabi po sa akin ang Diyos para sa inyo.” At nang tumayo ang hari, binunot ng kaliwang kamay ni Ehud ang kanyang tabak na nakatago sa kanyang kanang hita at itinarak sa tiyan ng hari. Bumaon pati ang hawakan ng tabak at ito ay natakpan ng taba. Hindi na binunot ni Ehud ang patalim dahil tumagos ito hanggang sa likuran ng hari. Paglabas ni Ehud, isinara niya ang pinto at tuluy-tuloy na umalis. Nang magbalik ang mga lingkod ng hari, nakita nilang sarado ang pinto kaya inisip nilang nagbabawas ang hari. Hindi nila binuksan ang pinto at naghintay na lamang sila sa labas. Inabot na sila ng pagkainip ngunit hindi pa lumalabas ang hari. Kaya, binuksan na nila ang silid nito. At nakita nilang patay na ang hari at nakahandusay sa sahig. Samantala, malayo na ang narating ni Ehud habang naghihintay ang mga lingkod ng hari. Nakalampas na siya sa mga inukit na bato at tumakas papuntang Seira. Pagdating sa kaburulan ng Efraim, hinipan niya ang trumpeta at nagsidatingan ang mga Israelita. At mula roon, pinangunahan niya sa pakikidigma ang mga ito. Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin. Pagtatagumpayin kayo ni Yahweh laban sa mga Moabita.” Kaya't sila'y sumunod sa kanya at nasakop nila ang tawiran ng mga Moabita sa Jordan. Wala silang pinatawid doon kahit isa. Nang araw na iyon, nagwagi ang mga Israelita laban sa mga Moabita. Nakapatay sila ng may sampung libong Moabita na pawang matitipuno at malalakas; wala ni isa mang nakatakas. Mula noon, nagkaroon ng kapayapaan sa lupain sa loob ng walumpung taon.
Mga Hukom 3:7-30 Ang Biblia (TLAB)

Mga Hukom 3:7-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)