Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 7:1-25

Isaias 7:1-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Nang ang hari ng Juda ay si Ahaz, anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang Jerusalem ay sinalakay ni Haring Rezin ng Siria, at ng hari ng Israel na si Peka, anak ni Remalias, ngunit hindi sila nagtagumpay. Nang mabalitaan ng sambahayan ni David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno sa kakahuyan na hinahampas ng hangin. Sinabi ni Yahweh kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi: ‘Lusubin natin ang Juda, at sakupin ang Jerusalem. Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’ Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari. Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya, at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin. Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon, at hindi na ito ibibilang na isang bayan. Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito, at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka. Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.” Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz: “Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.” Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.” At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo, sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin. Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong ama ay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria. Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasan mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda. Sa panahon ding iyon, tatawagin ni Yahweh ang mga Egipcio na parang mga langaw mula sa malalayong batis ng Ilog Nilo, at ang mga taga-Asiria na gaya ng mga pukyutan. Darating ang mga ito at maninirahan sa matatarik na bangin, sa mga lungga ng malalaking bato, at sa lahat ng dawagan at mga pastulan. Sa araw na iyon, ang Panginoon ay uupa ng mang-aahit mula sa kabila ng Ilog Eufrates—ang hari ng Asiria! Aahitin niya ang buhok mo sa ulo pati na ang iyong balbas at gayundin ang balahibo mo sa buong katawan. Sa araw na iyon ang bawat tao ay mag-aalaga ng isang dumalagang baka at dalawang tupa. Sa dami ng gatas na makukuha, ang lahat ng natira sa lupain ay mabubuhay sa gatas at pulot. Sa panahong iyon ang ubasang noo'y may isang libong punong ubas na nagkakahalaga ng isang libong salaping pilak ay magiging dawagan at puro tinikan. May dalang palaso at pana ang papasok doon, sapagkat ang buong lupain ay mapupuno ng mga tinik at dawag. Wala nang pupunta doon upang magbungkal ng lupa sapagkat mga tinik ay sanga-sanga na. Pagpapastulan na lamang iyon ng mga baka at tupa.”

Isaias 7:1-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

Noong si Ahaz na anak ni Jotam at apo ni Uzia ang hari ng Juda, sinalakay ang Jerusalem. Sinalakay ito ni Haring Rezin ng Aram at ni Haring Peka ng Israel, na anak ni Remalia. Pero hindi nila naagaw ang Jerusalem. Nang mabalitaan ng hari ng Juda na nagkampihan ang Aram at Israel, siya at ang mga mamamayan niya ay nanginig sa takot. Nanginig sila na parang punong niyayanig ng hangin. Sinabi ng PANGINOON kay Isaias, “Isama mo ang anak mong si Shear Jashub at salubungin ninyo si Ahaz sa dulo ng daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig, malapit sa daan papunta sa pinaglalabahan. Ito ang sasabihin mo sa kanya, ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag kang kabahan dahil sa tindi ng galit nina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka na anak ni Remalia. Ang dalawang itoʼy parang mga tuod ng puno na umuusok pero walang apoy. Nagplano sila ng masama laban sa iyo. Nagkasundo sila at sinabi, “Lusubin natin ang Juda at sakupin. Pagkatapos, paghati-hatian natin ang kanyang lupain at gawing hari roon ang anak ni Tabeel.” “ ‘Pero sinabi ng Panginoong DIOS na hindi mangyayari iyon. Sapagkat ang Damascus ay kabisera lang ng Aram, at si Rezin ay sa Damascus lang naghahari. At ang Samaria ay kabisera lang ng Israel, at si Peka na anak ni Remalia ay sa Samaria rin lang naghahari. Tungkol naman sa Israel, mawawasak ito sa loob ng 65 taon, at hindi na ito matatawag na bansa. Kung hindi matatag ang pananalig nʼyo sa Dios, tiyak na mapapahamak kayo.’ ” Muling nangusap ang PANGINOON kay Ahaz, “Ako ang PANGINOON na iyong Dios. Humingi ka sa akin ng palatandaan bilang patunay na gagawin ko ang aking ipinangako. Kahit magmula man ito sa ilalim, doon sa lugar ng mga patay, o sa itaas, doon sa langit.” Pero sumagot si Ahaz, “Hindi ako hihingi ng palatandaan. Hindi ko susubukin ang PANGINOON.” Sinabi ni Isaias, “Makinig kayong mga angkan ni David. Hindi pa ba kayo nasisiyahan sa pang-iinis nʼyo sa mga tao? At ngayon, ang Dios ko naman ang iniinis ninyo? Dahil dito, ang Panginoon na mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Magbubuntis ang isang birhen, at manganganak siya ng isang sanggol na lalaki. At tatawagin niya ang bata na Emmanuel. Bago siya magkaisip at makakain ng keso at pulot, ang lupain ng dalawang hari na kinatatakutan mo, Ahaz, ay mawawasak at pababayaan na lang. Pero darating ang araw na ikaw at ang mga mamamayan mo, pati na ang sambahayan mo, ay ipapalusob ng PANGINOON sa hari ng Asiria. At mararanasan ninyo ang hirap na hindi pa ninyo naranasan mula nang humiwalay ang Israel sa Juda.” Sa araw na iyon, sisipulan ng PANGINOON ang mga taga-Egipto at Asiria. Darating ang mga taga-Egipto na parang mga langaw mula sa malalayong ilog ng Egipto. Darating din ang mga taga-Asiria na parang mga pukyutan. At ang mga ito ay maninirahan sa lahat ng dako: sa matatarik na lambak, sa mga kweba ng mga bangin, sa mga halamang matitinik, at sa mga pastulan. Sa araw na iyon, gagamitin ng Panginoon ang hari ng Asiria para lubusang wasakin ang inyong lupain. Magmimistula siyang isang barbero na galing sa kabila ng Ilog ng Eufrates na binayaran para ahitin ang inyong buhok, balahibo, at balbas. Sa panahong iyon, ang maaalagaan lamang ng bawat tao ay tig-iisang dumalagang baka at dalawang kambing, na siyang pagkukunan nila ng gatas. Keso at pulot ang magiging pagkain ng lahat ng naiwan sa Juda. Sa panahon ding iyon, ang ubasan na may 1,000 puno na nagkakahalaga ng 1,000 pirasong pilak ay maging masukal at mapupuno ng halamang may tinik. Mangangaso ang mga tao roon na dala ang kanilang mga pana at sibat dahil naging masukal na ito at puno ng mga halamang may tinik. Wala nang pupunta sa mga burol na dating tinataniman, dahil masukal na at puno ng mga halamang may tinik. Magiging pastulan na lang ito ng mga baka at tupa.

Isaias 7:1-25 Ang Biblia (TLAB)

At nangyari, nang mga kaarawan ni Achaz na anak ni Jotham, anak ni Uzzias, na hari sa Juda, na si Rezin na hari sa Siria, at si Peca na anak ni Remalias, hari sa Israel, ay nagsiahon sa Jerusalem upang makipagdigma laban doon; nguni't hindi nanganaig laban doon. At nasaysay sa sangbahayan ni David, na sinasabi, Ang Siria ay nalakip sa Ephraim. At ang puso niya'y nakilos, at ang puso ng kaniyang bayan na gaya ng mga punong kahoy sa gubat na kinilos ng hangin. Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon kay Isaias, Lumabas ka na iyong salubungin si Achaz, ikaw, at si Sear-jasub na iyong anak, sa dulo ng padaluyan ng tipunan ng tubig sa itaas, sa lansangan ng parang ng nagpapaputi ng kayo; At sabihin mo sa kaniya, Ikaw ay magingat, at tumahimik ka; huwag kang matakot, o manglupaypay man ang iyong puso ng dahil sa dalawang buntot na apoy na ito na umuusok, ng dahil sa mabangis na galit ng Rezin at Siria, at ng anak ni Remalias. Dahil sa ang Siria ay pumayo ng masama laban sa iyo, ang Ephraim din naman, at ang anak ni Remalias, na nagsasabi, Magsiahon tayo laban sa Juda, at ating bagabagin, at ating papasukin sila, at tayo'y maglagay ng hari sa gitna niyaon, sa makatuwid baga'y ang anak ni Tabeel: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Hindi matatayo o mangyayari man. Sapagka't ang pangulo ng Siria ay ang Damasco, at ang pangulo ng Damasco ay ang Rezin: at sa loob ng anim na pu't limang taon ay magkakawatakwatak ang Ephraim, upang huwag maging bayan: At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag. At ang Panginoon ay nagsalita uli kay Achaz, na nagsasabi, Humingi ka sa ganang iyo ng tanda na mula sa Panginoon mong Dios; humingi ka maging sa kalaliman, o sa kaitaasan sa itaas. Nguni't sinabi ni Achaz, Hindi ako hihingi, ni tutuksuhin ko man ang Panginoon. At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo ngayon, Oh sangbahayan ni David; maliit na bagay ba sa inyo ang mamagod sa mga tao na inyong papagurin rin ang aking Dios? Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. Siya'y kakain ng mantekilla at pulot, pagka siya'y natutong tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti. Sapagka't bago maalaman ng bata na tumanggi sa kasamaan, at pumili ng mabuti, pababayaan ang lupain ng dalawang haring iyong kinayayamutan. Ang Panginoon ay magpapasapit sa iyo, at sa iyong bayan, at sa sangbahayan ng iyong magulang ng mga araw na hindi nangyari mula ng araw na humiwalay ang Ephraim sa Juda; sa makatuwid baga'y ang hari sa Asiria. At mangyayari sa araw na yaon, na susutsutan ng Panginoon ang langaw na nasa kahulihulihang bahagi ng mga ilog ng Egipto, at ang pukyutan na nasa lupain ng Asiria. At sila'y magsisidating, at silang lahat ay mangagpapahinga sa mga gibang libis, at sa mga bitak ng malalaking bato, at sa lahat ng mga tinikan, at sa lahat ng mga sukal. Sa araw na yaon ay aahitin ng Panginoon ang ulo at ang balahibo ng mga paa, ng pangahit na inupahan, ang nangasa bahagi ng dako roon ng Ilog, ang hari sa Asiria: at aalisin din ang balbas. At mangyayari sa araw na yaon, na ang isang tao ay magaalaga ng guyang baka, at ng dalawang tupa; At mangyayari, na dahil sa kasaganaan ng gatas na kanilang ibibigay ay kakain siya ng mantekilla: sapagka't ang bawa't isa na naiwan sa gitna ng lupain ay kakain ng mantekilla at pulot. At mangyayari sa araw na yaon, na ang bawa't dakong kinaroroonan ng libong puno ng ubas na nagkakahalaga ng isang libong siklong pilak, ay magiging dawagan at tinikan. Paroroon ang isa na may mga pana at may busog; sapagka't ang buong lupain ay magiging mga dawag at mga tinikan. At ang lahat ng burol na hinukay ng azarol, hindi mo paroroonan dahil sa takot sa mga dawag at sa mga tinikan; kundi magiging pagalaan sa mga baka, at yurakan ng mga tupa.

Isaias 7:1-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Nang ang hari ng Juda ay si Ahaz, anak ni Jotam na anak ni Uzias, ang Jerusalem ay sinalakay ni Haring Rezin ng Siria, at ng hari ng Israel na si Peka, anak ni Remalias, ngunit hindi sila nagtagumpay. Nang mabalitaan ng sambahayan ni David na nagkasundo na ang Siria at ang Efraim, ang hari at ang buong bayan ay nanginig sa takot na parang mga puno sa kakahuyan na hinahampas ng hangin. Sinabi ni Yahweh kay Isaias: “Isama mo ang iyong anak na si Sear-Yasub at salubungin ninyo si Ahaz. Matatagpuan ninyo siya sa may dulo ng padaluyan ng tubig mula sa tipunan ng tubig sa itaas, sa daang patungo sa dakong Bilaran ng Tela. Ganito ang sabihin mo sa kanya: ‘Humanda ka! Huwag matakot at mabagabag. Huwag kang masisiraan ng loob dahil sa nag-aalab na poot ni Rezin ng Siria at ni Peka na anak ni Remalias; ang dalawang iyon ay parang dalawang putol ng kahoy na umuusok ngunit walang apoy.’ Nagbalak ng masama laban sa iyo ang Siria, ang Israel at ang anak ni Remalias, at kanilang sinabi: ‘Lusubin natin ang Juda, at sakupin ang Jerusalem. Gagawin nating hari doon ang anak ni Tabeel.’ Ngunit sinabi ng Panginoong Yahweh, “Hindi ito mangyayari. Sapagkat ang Siria'y mas mahina kaysa Damasco na punong-lunsod niya, at ang Damasco'y mas mahina kaysa kay Haring Rezin. Ang Israel naman ay mawawasak sa loob ng animnapu't limang taon, at hindi na ito ibibilang na isang bayan. Malakas pa kaysa Israel ang lunsod ng Samaria na punong-lunsod nito, at ang Samaria ay mas mahina kaysa kay Haring Peka. Ikaw ay mabubuwal kapag hindi naging matatag ang iyong pananalig sa Diyos.” Muling nagsalita si Yahweh kay Ahaz: “Humingi ka ng palatandaan kay Yahweh na iyong Diyos, maging ito ay buhat sa malalim na libingan o sa kaitaasan ng langit.” Ngunit sinabi ni Ahaz: “Hindi po ako hihingi. Hindi ko po susubukin si Yahweh.” At sinabi ni Isaias: “Makinig kayo, sambahayan ni David! Hindi pa ba sapat na subukin ninyo ang pagtitiis ng mga tao, at pati ang pagtitiis ng aking Diyos ay inyong sinusubok? Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel. Gatas at pulot ang kanyang kakainin kapag marunong na siyang umiwas sa masama at gumawa ng mabuti. Sapagkat bago matuto ang bata na umiwas sa masama at gumawa ng mabuti, ang lupain ng dalawang haring kinatatakutan mo ay wawasakin. Ikaw at ang iyong bayan, pati na ang sambahayan ng iyong ama ay ipapasakop ni Yahweh sa hari ng Asiria. Pagdaranasin ka nito ng paghihirap na kailanma'y hindi mo pa nararanasan mula nang humiwalay ang Efraim sa Juda. Sa panahon ding iyon, tatawagin ni Yahweh ang mga Egipcio na parang mga langaw mula sa malalayong batis ng Ilog Nilo, at ang mga taga-Asiria na gaya ng mga pukyutan. Darating ang mga ito at maninirahan sa matatarik na bangin, sa mga lungga ng malalaking bato, at sa lahat ng dawagan at mga pastulan. Sa araw na iyon, ang Panginoon ay uupa ng mang-aahit mula sa kabila ng Ilog Eufrates—ang hari ng Asiria! Aahitin niya ang buhok mo sa ulo pati na ang iyong balbas at gayundin ang balahibo mo sa buong katawan. Sa araw na iyon ang bawat tao ay mag-aalaga ng isang dumalagang baka at dalawang tupa. Sa dami ng gatas na makukuha, ang lahat ng natira sa lupain ay mabubuhay sa gatas at pulot. Sa panahong iyon ang ubasang noo'y may isang libong punong ubas na nagkakahalaga ng isang libong salaping pilak ay magiging dawagan at puro tinikan. May dalang palaso at pana ang papasok doon, sapagkat ang buong lupain ay mapupuno ng mga tinik at dawag. Wala nang pupunta doon upang magbungkal ng lupa sapagkat mga tinik ay sanga-sanga na. Pagpapastulan na lamang iyon ng mga baka at tupa.”

Isaias 7:1-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)