Isaias 41:1-29
Isaias 41:1-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinabi ni Yahweh, “Tumahimik kayo at makinig, kayo na nasa malalayong lupain! Pag-ibayuhin ninyo ang inyong lakas, at dalhin sa hukuman ang inyong usapin. Doon ang panig ninyo ay papakinggan upang malaman kung sino ang may katuwiran. “Sino ang nagdala sa isang mananakop mula sa silangan, at nagbigay ng tagumpay sa lahat ng kanyang pakikipaglaban? Ang mga hari't mga bansa ay parang alikabok na lumilipad sa bawat hataw ng kanyang tabak; at parang dayaming tinatangay dahil sa kanyang pana. Buong bilis na tinutugis niya ang mga kaaway, ang kanyang mga paa'y hindi halos sumayad sa lupa. Sinong nasa likod ng lahat ng ito? Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula? Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man, at mananatili hanggang sa katapusan. “Ito'y nasaksihan ng mga tao sa malalayong lupain, at nanginginig sila sa takot; kaya silang lahat ay lumapit sa akin at sumamba. Sila-sila ay nagtutulungan at nagpapayuhan, ‘Huwag kayong matakot.’ Sinabi ng mga karpintero sa mga panday-ginto, ‘Magandang trabaho!’ Hinangaan ng mga gumagawa ng rebulto ang mga nagkabit-kabit nito, at ang sabi, ‘Mahusay ang pagkahinang’; pagkatapos ay ipinako ang rebulto sa patungan nito. “Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkod lahi ni Abraham na aking kaibigan. Ikaw ang bayang aking hinirang. Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig; sa pinakamalalayong sulok nito, sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil. Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. “Lahat ng may galit sa iyo ay mapapahiya, at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo. Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita, mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’” Sinabi pa ni Yahweh, “Israel, mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita. Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel. Gagawin kitang tulad ng panggiik, na may bago at matatalim na ngipin. Iyong gigiikin ang mga bundok at burol, at dudurugin hanggang maging alabok. Ihahagis mo sila at tatangayin ng hangin; pagdating ng bagyo ay pakakalatin. Magdiriwang kayo sa pangalan ni Yahweh, at pararangalan ang Banal na Diyos ng Israel. “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya. Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol, aagos ang masaganang tubig sa mga libis; gagawin kong lawa ang disyerto, may mga batis na bubukal sa tuyong lupain. Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar, kahoy na olibo at saka ng mirto; kahoy na sipres, alerses at pino. At kung magkagayon, makikita nila at mauunawaan na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang gumawa at lumikha nito.” Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob: “Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban. Lumapit kayo at inyong hulaan ang mga mangyayari sa kinabukasan. Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman, upang pagtuunan ng aming isipan, ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan. Maniniwala kaming kayo nga ay diyos kapag ang hinaharap inyong mahulaan. Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama, nang kami'y masindak o kaya'y manghina. Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan; ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam. “Mayroon akong isang taong pinili mula sa silangan, at aking pinasasalakay mula sa hilaga. Parang lupang kanyang tatapakan ang mga hari, tulad ng pagmamasa sa putik na ginagawang palayok. Mula sa simula sino sa inyo ang nakahula na ito'y mangyayari, para masabi naming siya ay tama? Walang sinabing anuman tungkol dito ang isa man sa inyo. Akong si Yahweh ang unang nagbalita nito sa Jerusalem, nang ipasabi ko sa aking sugo ang ganito: “Ang aking bayan ay uuwi na.” Nang ako'y maghanap wala akong nasumpungang tagapayo, na handang sumagot sa sandaling magtanong ako. Lahat ng diyus-diyosan ay walang kabuluhan. Wala silang magagawang anuman dahil sila'y mahihina at walang kapangyarihan.”
Isaias 41:1-29 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi ng Panginoon, “Kayong mga mamamayan sa malalayong lugar, tumahimik kayo at makinig sa akin. Kayong mga bansa, lakasan ninyo ang inyong loob, lumapit kayo sa akin at sabihin ang inyong mga reklamo. Magtipon-tipon tayo at pag-usapan natin ito. Sino ang nagpadala ng isang tao mula sa silangan at nagbigay sa kanya ng tagumpay sa pakikipaglaban, saan man siya pumunta? Sino ang nagpasakop sa kanya ng mga hari at mga bansa? Winasak niya ang mga bansa at pinatay ang mga hari nito sa pamamagitan ng espada at pana. At ang mga itoʼy naging parang mga alikabok na tinangay ng hangin. Hinabol niya sila at walang humarang sa kanya kahit sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan. Sino ang gumawa ng lahat ng ito? Sino ang nagpanukala ng lahat ng mga mangyayari mula pa noong unang henerasyon? Hindi baʼt ako? Akong PANGINOON ay naroon noong sinimulan ang mundo, at naroroon din ako hanggang sa katapusan nito. Nakita ng mga tao sa malalayong lugar ang aking mga gawa, at nanginig sila sa takot. Nagtipon sila, at ang bawat isa ay nagtulungan at nagpalakas sa isaʼt isa. Ang mga karpintero, platero, at ang iba pang mga manggagawa na gumagawa ng mga dios-diosan ay nagpalakas sa isaʼt isa na nagsasabi, ‘Maganda ang pagkakagawa natin.’ Pagkatapos, ipinako nila ang ginawa nilang rebulto sa lalagyan nito para hindi mabuwal. “Pero ikaw, Israel, na aking lingkod at pinili na mula sa lahi ni Abraham na aking kaibigan, tinawag kita at kinuha mula sa pinakamalayong dako ng mundo. Sinabi ko sa iyo na ikaw ay aking lingkod. Pinili kita at hindi itinakwil. Huwag kang mangamba dahil ako ang Dios mo. Palalakasin kita at tutulungan. Iingatan kita sa pamamagitan ng aking kapangyarihan na siya ring makapagliligtas sa iyo. Ang lahat ng nagagalit sa iyo ay tiyak na mapapahiya at malilito. Ang mga lumalaban sa iyo ay mapapahamak. At kahit hanapin mo ang iyong mga kaaway hindi mo na sila makikita. Silang mga kumakalaban sa iyo ay magiging walang kabuluhan. Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Dios. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita. Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito. Ako ang iyong Tagapagligtas, ang Banal na Dios ng Israel. Makinig ka! Gagawin kitang parang bagong panggiik, matalim at maraming ngipin. Gigiikin mo at dudurugin ang mga bundok at burol. Gagawin mo ito na parang ipa. Tatahipan mo sila at tatangayin sila ng hangin; ikakalat sila ng malakas na hangin. Pero ikaw ay magagalak sa PANGINOON; magpupuri ka sa Banal na Dios ng Israel. “Kapag nangangailangan ng tubig ang mga mamamayan kong dukha, at wala silang matagpuan, at kapag natutuyo na ang mga lalamunan nila sa uhaw, akong PANGINOON ang tutulong sa kanila. Akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila. Paaagusin ko ang tubig sa batis, dadaloy ito sa mga tuyong burol at magkakaroon ng mga bukal sa mga lambak. Gagawin kong tubigan ang ilang at ang mga lupang tigang ay magkakaroon ng mga bukal. Patutubuin ko sa ilang ang mga puno ng sedro, akasya, mirto, olibo, pino, enebro, at sipres, para makita, malaman, at maunawaan ng mga tao na ang lumikha nito ay ako, ang PANGINOON, ang Banal na Dios ng Israel.” Sinabi ng PANGINOON, ang Hari ng Israel, sa mga dios-diosan, “Sige, magreklamo kayo at mangatuwiran! Lumapit kayo at sabihin sa amin kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Sabihin ninyo sa amin ang mga sinabi nʼyo noon na mangyayari para malaman namin kung nangyari nga ito. Sabihin ninyo sa amin kung ano ang mangyayari sa hinaharap para malaman namin na kayo ngaʼy mga dios. Gumawa kayo ng mabuti o ng masama para kami ay magtaka at matakot sa inyo. Pero ang totoo, wala kayong silbi at wala kayong magagawa. Kasuklam-suklam ang mga taong pumili sa inyo para kayo ay sambahin. Pinili ko ang taong mula sa hilaga para mamahala. Dumudulog siya sa akin, at ngayon ay darating siya mula sa silangan. Wawasakin niya ang mga namamahala katulad ng pagyapak ng magpapalayok sa putik na gagawin niyang palayok. Sino sa inyo ang nakahula noong una pa na mangyayari ito para malaman namin at nang masabi naming tama siya? Ni isa man lang sa inyoʼy walang nagsabi, at walang nakarinig na mayroon kayong sinabi. Akong Panginoon ang nagsabi nito noon sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem. Nagpadala ako ng isang mensahero para ibalita ang magandang balita na nandiyan na ang tutulong sa kanila. Tiningnan ko kung may dios-diosan na makapagpapayo pero wala akong nakita. Ni isa sa kanilaʼy walang makasagot sa mga tanong ko. Lahat ng mga dios-diosan ay walang kabuluhan, at walang magagawang anuman. Para silang lalagyan na puro hangin ang laman.”
Isaias 41:1-29 Ang Biblia (TLAB)
Magsitahimik kayo sa harap ko, Oh mga pulo; at mangagbagong lakas ang mga bayan: magsilapit sila; saka mangagsalita sila; tayo'y magsilapit na magkakasama sa kahatulan. Sinong nagbangon ng isa na mula sa silanganan, na kaniyang tinawag sa katuwiran sa kaniyang paanan? siya'y nagbigay ng mga bansa sa harap niya, at pinagpuno niya siya sa mga hari; kaniyang ibinibigay sila na parang alabok sa kaniyang tabak, na parang pinaspas na dayami sa kaniyang busog. Kaniyang hinahabol sila, at nagpatuloy na tiwasay, sa makatuwid baga'y sa daan na hindi niya dinaanan ng kaniyang mga paa. Sinong gumawa at yumari, na tumawag ng mga sali't saling lahi mula ng una? Akong Panginoon, ang una, at kasama ng huli, ako nga, Nakita ng mga pulo, at nangatakot; ang mga wakas ng lupa ay nagsipanginig: sila'y nagsilapit, at nagsiparito. Sila'y tumutulong bawa't isa sa kaniyang kapuwa; at bawa't isa'y nagsasabi sa kaniyang kapatid, Ikaw ay magpakatapang. Sa gayo'y pinalalakas ang loob ng anluwagi ang panday-ginto, at ng pumapatag ng pamukpok ang pumupukpok ng palihan, na sinasabi tungkol sa paghinang, Mabuti, at kaniyang inilalapat ng mga pako, upang huwag makilos. Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. Narito, silang lahat na nangagagalit sa iyo ay mangapapahiya at mangalilito: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak. Iyong hahanapin sila, at hindi mo mangasusumpungan, sa makatuwid baga'y silang nangakikipaglaban sa iyo: silang nakikipagdigma laban sa iyo ay papanaw, at gaya ng bagay ng wala. Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel. Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa. Iyong pahahanginan, at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel. Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila. Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan, at mga bukal sa gitna ng mga libis: aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig. Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama: Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel. Iharap ninyo ang inyong usap, sabi ng Panginoon; inyong ilabas ang inyong mga matibay sa pagmamatuwid, sabi ng Hari ng Jacob. Ilabas nila, at ipahayag sa amin kung anong mangyayari: ipahayag ninyo ang mga dating bagay, maging anoman ang mga yaon, upang aming mabatid at maalaman ang huling wakas nila: o pagpakitaan ninyo kami ng mga bagay na darating. Inyong ipahayag ang mga bagay na darating pagkatapos, upang aming maalaman na kayo'y mga dios; oo, kayo'y magsigawa ng mabuti, o magsigawa ng kasamaan, upang kami ay mangawalan ng loob, at mamasdan naming magkakasama. Narito, kayo'y sa wala, at ang inyong gawa ay sa wala: kasuklamsuklam siya na pumili sa inyo. May ibinangon ako mula sa hilagaan, at siya'y dumating; mula sa sikatan ng araw ay tumatawag siya sa aking pangalan: at siya'y paroroon sa mga pinuno na parang cimiento, at para ng magpapalyok na yumuyurak ng putik na malagkit. Sinong nagpahayag noon mula nang pasimula upang aming maalaman? at nang una, upang aming masabi, Siya'y matuwid? oo, walang magpahayag, oo, walang magpakita, oo, walang duminig ng inyong mga salita. Ako'y unang magsasabi sa Sion, Narito, narito sila; at ako'y magbibigay sa Jerusalem ng isa na nagdadala ng mga mabuting balita. At pagka ako'y tumitingin, walang tao; sa gitna nila ay walang tagapayo, na makasagot ng isang salita, pagka ako'y tumatanong sa kanila. Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan.
Isaias 41:1-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinabi ni Yahweh, “Tumahimik kayo at makinig, kayo na nasa malalayong lupain! Pag-ibayuhin ninyo ang inyong lakas, at dalhin sa hukuman ang inyong usapin. Doon ang panig ninyo ay papakinggan upang malaman kung sino ang may katuwiran. “Sino ang nagdala sa isang mananakop mula sa silangan, at nagbigay ng tagumpay sa lahat ng kanyang pakikipaglaban? Ang mga hari't mga bansa ay parang alikabok na lumilipad sa bawat hataw ng kanyang tabak; at parang dayaming tinatangay dahil sa kanyang pana. Buong bilis na tinutugis niya ang mga kaaway, ang kanyang mga paa'y hindi halos sumayad sa lupa. Sinong nasa likod ng lahat ng ito? Sinong nagpapagalaw sa takbo ng kasaysayan mula sa pasimula? Akong si Yahweh, na naroon na noon pa man, at mananatili hanggang sa katapusan. “Ito'y nasaksihan ng mga tao sa malalayong lupain, at nanginginig sila sa takot; kaya silang lahat ay lumapit sa akin at sumamba. Sila-sila ay nagtutulungan at nagpapayuhan, ‘Huwag kayong matakot.’ Sinabi ng mga karpintero sa mga panday-ginto, ‘Magandang trabaho!’ Hinangaan ng mga gumagawa ng rebulto ang mga nagkabit-kabit nito, at ang sabi, ‘Mahusay ang pagkahinang’; pagkatapos ay ipinako ang rebulto sa patungan nito. “Ngunit ikaw, Israel, na aking lingkod lahi ni Abraham na aking kaibigan. Ikaw ang bayang aking hinirang. Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig; sa pinakamalalayong sulok nito, sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil. Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas. “Lahat ng may galit sa iyo ay mapapahiya, at mamamatay ang sinumang lumaban sa iyo. Hahanapin ninyo sila ngunit hindi makikita, mawawala na sila ng lubusan dito sa lupa. Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’” Sinabi pa ni Yahweh, “Israel, mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita. Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel. Gagawin kitang tulad ng panggiik, na may bago at matatalim na ngipin. Iyong gigiikin ang mga bundok at burol, at dudurugin hanggang maging alabok. Ihahagis mo sila at tatangayin ng hangin; pagdating ng bagyo ay pakakalatin. Magdiriwang kayo sa pangalan ni Yahweh, at pararangalan ang Banal na Diyos ng Israel. “Kapag inabot ng matinding uhaw ang aking bayan, na halos matuyo ang kanilang lalamunan, akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; akong Diyos ng Israel ay hindi magpapabaya. Magkakaroon ng ilog sa tigang na burol, aagos ang masaganang tubig sa mga libis; gagawin kong lawa ang disyerto, may mga batis na bubukal sa tuyong lupain. Ang mga disyerto'y pupunuin ko ng akasya't sedar, kahoy na olibo at saka ng mirto; kahoy na sipres, alerses at pino. At kung magkagayon, makikita nila at mauunawaan na akong si Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, ang gumawa at lumikha nito.” Ganito ang sabi ni Yahweh, ang Hari ni Jacob: “Kayo ay lumapit, mga diyus-diyosan, ang panig ninyo ay ipaglaban. Lumapit kayo at inyong hulaan ang mga mangyayari sa kinabukasan. Ipaliwanag ninyo sa harap ng hukuman, upang pagtuunan ng aming isipan, ang mga pangyayari sa kahapong nagdaan. Maniniwala kaming kayo nga ay diyos kapag ang hinaharap inyong mahulaan. Kayo'y magpakita ng anumang gawang mabuti, o kahit masama, nang kami'y masindak o kaya'y manghina. Kayo at ang inyong gawa'y walang kabuluhan; ang sumasamba sa inyo ay kasuklam-suklam. “Mayroon akong isang taong pinili mula sa silangan, at aking pinasasalakay mula sa hilaga. Parang lupang kanyang tatapakan ang mga hari, tulad ng pagmamasa sa putik na ginagawang palayok. Mula sa simula sino sa inyo ang nakahula na ito'y mangyayari, para masabi naming siya ay tama? Walang sinabing anuman tungkol dito ang isa man sa inyo. Akong si Yahweh ang unang nagbalita nito sa Jerusalem, nang ipasabi ko sa aking sugo ang ganito: “Ang aking bayan ay uuwi na.” Nang ako'y maghanap wala akong nasumpungang tagapayo, na handang sumagot sa sandaling magtanong ako. Lahat ng diyus-diyosan ay walang kabuluhan. Wala silang magagawang anuman dahil sila'y mahihina at walang kapangyarihan.”
Isaias 41:1-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)