Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 30:1-15

Isaias 30:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Sinabi ni Yahweh, “Kawawa ang mga suwail na anak, na ang ginagawa'y hindi ayon sa aking kalooban; nakikipagkaisa sila sa iba nang labag sa aking kagustuhan, palala nang palala ang kanilang kasalanan. Nagmamadali silang pumunta sa Egipto upang humingi ng tulong sa Faraon; ngunit hindi man lamang sila sumangguni sa akin. Mabibigo lamang kayo sa hinahangad ninyong tulong, at kahihiyan lamang ang idudulot ng inaasahan ninyong proteksyon. Bagama't nasa Zoan ang kanilang mga pinuno, at ang mga sugo nila'y umabot pa hanggang Hanes, mapapahiya lamang kayong lahat, dahil sa mga taong walang pakinabang, hindi naman tumutulong at hindi rin maaasahan, wala silang matatamo kundi kabiguan at kahihiyan.” Ito ang mensahe ng Diyos tungkol sa mga hayop sa katimugang disyerto: Sa lupain ng kaguluhan at dalamhati, sa lugar na pinamamahayan ng mga leon, ng mga ulupong at mga lumilipad na dragon; ikinakarga nila ang kanilang kayamanan sa mga asno at mga kamelyo, upang ibigay sa mga taong walang maitutulong. Ang bansang Egipto'y hindi maaasahan, kaya tinawag ko siyang, “Inutil na Dragon.” Halika, at isulat mo sa isang aklat, kung anong uri ng mga tao sila; upang maging tagapagpaalala magpakailanman, kung gaano kalaki ang kanilang kasalanan. Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban sa Diyos, sinungaling at ayaw makinig sa aral ni Yahweh. Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.” At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama. Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin, at ang mga hulang hindi matutupad. Umalis kayo sa aming daraanan, at ang tungkol sa Banal na Diyos ng Israel ay ayaw na naming mapakinggan.” Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel: “Tinanggihan mo ang aking salita, at sa pang-aapi at pandaraya ka nagtiwala. Kaya darating sa iyo ang malagim na wakas, tulad ng pagguho ng isang marupok na pader na bigla na lamang babagsak. Madudurog kang parang palayok na ibinagsak nang walang awa; wala kahit isang pirasong malalagyan ng apoy, o pansalok man lamang ng tubig sa balon.” Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.

Isaias 30:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

Sinabi ng PANGINOON, “Nakakaawa ang aking mga anak na suwail. Gumagawa sila ng mga plano na hindi naaayon sa kalooban ko. Nakikipagkasundo sila na hindi ko pinapayagan. Kaya lalo lang nadadagdagan ang kanilang kasalanan. Pumunta sila sa Egipto para humingi ng proteksyon sa hari, na hindi man lang sumangguni sa akin. Pero mabibigo lamang sila sa hinihingi nilang proteksyon sa Faraon. Sapagkat kahit na namumuno ang Faraon hanggang sa Zoan at Hanes, mapapahiya lang ang Juda dahil wala namang maitutulong ang mga taga-Egipto sa kanila kundi kabiguan at kahihiyan.” Ito ang pahayag ng Dios tungkol sa mga hayop sa Negev: Nilakbay ng mga taga-Juda ang ilang na mahirap lakbayin kung saan may mga leon, at may mga makamandag na ahas na ang ibaʼy parang lumilipad. Ikinakarga nila ang kanilang mga kayamanan sa mga asno at mga kamelyo, para iregalo sa bansang hindi man lang makatulong sa kanila. Ang bansang iyon ay ang Egipto, na ang tulong ay walang silbi. Kaya tinatawag ko itong “Dragon na Inutil.” Sinabi sa akin ng PANGINOON, “Halika, isulat mo sa aklat ang paratang ko laban sa mga taga-Israel, para lagi itong magsilbing patunay ng kasamaan nila sa darating na panahon. Sapagkat mga rebelde sila, sinungaling, at ayaw makinig sa mga aral ko. Sinabi nila sa mga propeta, ‘Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tungkol sa mga pahayag ng Dios sa inyo. Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tama. Sabihin nʼyo sa amin ang mga bagay na makapagpapasaya sa amin at mga pangitain na hindi mangyayari. Umalis kayo sa aming dinadaanan, huwag ninyo kaming harangan. Huwag na ninyong sabihin sa amin ang tungkol sa Banal na Dios ng Israel.’ ” Kaya sinabi ng Banal na Dios ng Israel, “Dahil sa itinakwil ninyo ang aking mensahe at nagtiwala kayo sa pang-aapi at pandaraya, bigla kayong malilipol. Ang inyong mga kasalanan ay katulad ng bitak na biglang wawasak ng mataas na pader. Madudurog kayo na parang palayok, na sa lakas ng pagbagsak ay wala man lang kahit kapirasong mapaglagyan ng baga o maipansalok ng tubig.” Sinabi pa ng Panginoong DIOS, ang Banal na Dios ng Israel, “Magbalik-loob kayo sa akin at pumanatag, dahil ililigtas ko kayo. Huwag kayong mabahala kundi magtiwala sa akin, dahil palalakasin ko kayo. Pero tumanggi kayo

Isaias 30:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan: Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto, at hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto! Kaya't ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito. Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes. Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman. Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan. Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo. Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan. Sapagka't mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon: Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay: Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin. Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan: Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali. At yao'y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.

Isaias 30:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Sinabi ni Yahweh, “Kawawa ang mga suwail na anak, na ang ginagawa'y hindi ayon sa aking kalooban; nakikipagkaisa sila sa iba nang labag sa aking kagustuhan, palala nang palala ang kanilang kasalanan. Nagmamadali silang pumunta sa Egipto upang humingi ng tulong sa Faraon; ngunit hindi man lamang sila sumangguni sa akin. Mabibigo lamang kayo sa hinahangad ninyong tulong, at kahihiyan lamang ang idudulot ng inaasahan ninyong proteksyon. Bagama't nasa Zoan ang kanilang mga pinuno, at ang mga sugo nila'y umabot pa hanggang Hanes, mapapahiya lamang kayong lahat, dahil sa mga taong walang pakinabang, hindi naman tumutulong at hindi rin maaasahan, wala silang matatamo kundi kabiguan at kahihiyan.” Ito ang mensahe ng Diyos tungkol sa mga hayop sa katimugang disyerto: Sa lupain ng kaguluhan at dalamhati, sa lugar na pinamamahayan ng mga leon, ng mga ulupong at mga lumilipad na dragon; ikinakarga nila ang kanilang kayamanan sa mga asno at mga kamelyo, upang ibigay sa mga taong walang maitutulong. Ang bansang Egipto'y hindi maaasahan, kaya tinawag ko siyang, “Inutil na Dragon.” Halika, at isulat mo sa isang aklat, kung anong uri ng mga tao sila; upang maging tagapagpaalala magpakailanman, kung gaano kalaki ang kanilang kasalanan. Sapagkat sila'y mapaghimagsik laban sa Diyos, sinungaling at ayaw makinig sa aral ni Yahweh. Sinasabi nila sa mga tagapaglingkod, “Huwag kayong magsasabi ng katotohanan.” At sa mga propeta, “Huwag kayong magpapahayag ng tama. Mga salitang maganda sa aming pandinig ang inyong banggitin sa amin, at ang mga hulang hindi matutupad. Umalis kayo sa aming daraanan, at ang tungkol sa Banal na Diyos ng Israel ay ayaw na naming mapakinggan.” Kaya ito ang sabi ng Banal na Diyos ng Israel: “Tinanggihan mo ang aking salita, at sa pang-aapi at pandaraya ka nagtiwala. Kaya darating sa iyo ang malagim na wakas, tulad ng pagguho ng isang marupok na pader na bigla na lamang babagsak. Madudurog kang parang palayok na ibinagsak nang walang awa; wala kahit isang pirasong malalagyan ng apoy, o pansalok man lamang ng tubig sa balon.” Sinabi pa ng Panginoong Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel, “Maliligtas kayo kapag kayo'y nagbalik-loob at nagtiwala sa akin; kayo'y aking palalakasin at patatatagin.” Ngunit kayo'y tumanggi.

Isaias 30:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Sa aba ng mga mapanghimagsik na mga anak, sabi ng Panginoon, na nagsisisangguni, nguni't hindi sa akin; at nangagaalay ng alay, nguni't hindi sa aking Espiritu, upang makapagdagdag ng kasalanan sa kasalanan; Ang nagsisilakad na nagsisilusong sa Egipto, at hindi nangagtanong sa aking bibig; upang mangagpakalakas sa lakas ni Faraon, at magsitiwala sa lilim ng Egipto! Kaya't ang lakas ni Faraon ay magiging inyong kahihiyan, at ang pagtiwala sa lilim ng Egipto ay inyong pagkalito. Sapagka't ang kaniyang mga pangulo ay nangasa Zoan, at ang kanilang mga sugo ay nagsidating sa Hanes. Silang lahat ay mangapapahiya dahil sa bayan na hindi nila mapapakinabangan, na hindi tulong o pakinabang man, kundi kahihiyan, at kakutyaan din naman. Ang hula tungkol sa mga hayop ng Timugan. Sa lupain ng kabagabagan at ng kahapisan, na pinanggagalingan ng leong babae at lalake, ng ulupong at ng lumilipad na makamandag na ahas, kanilang dinadala ang kanilang mga kayamanan sa mga gulugod ng mga batang asno, at ang kanilang mga kayamanan sa umbok ng gulugod ng mga kamelyo, sa isang bayan na hindi nila mapapakinabangan. Sapagka't ang Egipto ay tumulong na walang kabuluhan, at walang kapararakan: kaya't aking tinawag siyang Rahab na nauupong walang kibo. Ngayo'y yumaon ka, isulat mo sa harap nila sa isang tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan. Sapagka't mapanghimagsik na bayan, mga sinungaling na anak, mga anak na hindi didinig ng kautusan ng Panginoon: Na nagsasabi sa mga tagakita, Huwag kayong kumita; at sa mga propeta, Huwag kayong manghula sa amin ng mga matuwid na bagay, magsalita kayo sa amin ng mga malubay na bagay, manghula kayo ng mga magdarayang bagay: Humiwalay kayo sa daan, lumihis kayo sa landas, papaglikatin ninyo ang Banal ng Israel sa harap namin. Kaya't ganito ang sabi ng Banal ng Israel, Sapagka't inyong hinamak ang salitang ito, at nagsitiwala kayo sa kapighatian at kasuwailan, at yaon ay inyong inaasahan: Kaya't ang kasamaang ito ay magiging sa inyo'y gaya ng batong sira na madaling mababagsak, na natatanggal sa isang matayog na pader, na biglang dumarating ang pagkasira sa isang sangdali. At yao'y kaniyang babasagin na gaya ng pagbasag ng palyok ng magpapalyok, na nababasag na putolputol na walang matitira; na anopat walang masusumpungan na kapiraso sa mga putol niyaon, na maikukuha ng apoy mula sa apuyan, o maikakadlo ng tubig sa balon. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, ng Banal ng Israel, Sa pagbabalik at sa pagpapahinga ay matitiwasay kayo; sa katahimikan at sa pagasa ay magiging ang inyong lakas. At hindi ninyo inibig.