Isaias 25:9
Isaias 25:9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sasabihin ng lahat sa araw na iyon: “Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas, siya si Yahweh na ating inaasahan. Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”
Isaias 25:9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kapag itoʼy nangyari na, sasabihin ng mga tao, “Siya ang ating Dios! Nagtiwala tayo sa kanya, at iniligtas niya tayo. Siya ang PANGINOON na ating inaasahan. Magalak tayoʼt magdiwang dahil iniligtas niya tayo.”
Isaias 25:9 Ang Biblia (TLAB)
At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.