Isaias 24:17-20
Isaias 24:17-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag. Sinumang tumakas dahil sa takot, sa balong malalim, doon mahuhulog. Pag-ahon sa balon na kinahulugan, bitag ang siyang kasasadlakan. Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit, at mauuga ang pundasyon ng daigdig. Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.
Isaias 24:17-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kayong mga mamamayan ng mga bansa sa buong mundo, naghihintay sa inyo ang takot, hukay, at bitag. Ang tumatakas dahil sa takot ay mahuhulog sa hukay at mabibitag ang mga lumalabas dito. Uulan nang malakas at mayayanig ang pundasyon ng lupa. Bibitak ang lupa at mabibiyak. At magpapasuray-suray ito na parang lasing at parang kubong gumagalaw-galaw sa ihip ng hangin. Ang lupa ay mabibigatan dahil sa kasalanan, at mawawasak ito at hindi na muling makakabangon.
Isaias 24:17-20 Ang Biblia (TLAB)
Takot, at ang hukay, at ang silo ay nangasa iyo, Oh nananahan sa lupa. At mangyayari, na siyang tumatakas sa kakilakilabot na kaingay ay mahuhulog sa hukay; at siyang sumasampa mula sa gitna ng hukay ay mahuhuli sa silo: sapagka't ang mga dungawan sa itaas ay nangabuksan, at ang mga patibayan ng lupa ay umuuga. Ang lupa ay nagibang lubos, ang lupa ay lubos na nasira, ang lupa ay nakilos ng di kawasa. Ang lupa ay gigiray na parang lango, at mauuga na parang dampa; at ang kaniyang pagsalangsang ay magiging mabigat sa kaniya, at mabubuwal, at hindi na magbabangon.
Isaias 24:17-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyo ang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag. Sinumang tumakas dahil sa takot, sa balong malalim, doon mahuhulog. Pag-ahon sa balon na kinahulugan, bitag ang siyang kasasadlakan. Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit, at mauuga ang pundasyon ng daigdig. Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.
Isaias 24:17-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)