Hosea 4:6-19
Hosea 4:6-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak. “Habang dumarami ang mga pari, lalo naman silang nagkakasala sa akin; kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan. Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao; nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan. At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang pari, gayundin ang bayan. Kaya't paparusahan ko sila at pagbabayarin, dahil sa kanilang kasamaan. Sila'y kakain, ngunit hindi mabubusog; makikipagtalik sila sa mga babae sa templo, ngunit hindi sila magkakaanak; sapagkat itinakwil nila si Yahweh at sila'y bumaling sa ibang mga diyos.” “Ang alak, luma man o bago, ay nakakasira ng pang-unawa. Sumasangguni ang aking bayan sa diyus-diyosang kahoy; itinatanong nila sa haliging kahoy kung ano ang dapat gawin. Sinasagot sila sa pamamagitan ng tungkod. Sila'y iniligaw ng masamang pamumuhay, at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos. Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae. Gayunman, hindi ko paparusahan ang iyong mga anak na dalaga kahit sila'y magpakasama. Gayundin ang iyong mga manugang kahit na sila'y mangalunya; sapagkat ang mga lalaki ay nakikipagtalik din sa mga babae sa templo, at kasama nilang naghahandog sa mga diyus-diyosan. Ganyan winawasak ng mga taong hangal ang kanilang sarili. “Bagaman ikaw ay nangalunya, O Israel, hindi naman kailangang papanagutin din ang Juda. Huwag kang pumasok sa Gilgal, ni umakyat sa Beth-aven; at huwag kang sumumpa ng, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy.’ Matigas ang ulo ng Israel, tulad ng dumalagang baka. Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahweh tulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan? Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim; pabayaan mo na siya. Bagaman ubos na ang kanilang alak, patuloy pa rin sila sa pangangalunya; higit nilang nais ang kahihiyan kaysa karangalan. Tatangayin sila ng malakas na hangin, at mapapahiya sila nang labis dahil sa kanilang handog sa mga diyus-diyosan.
Hosea 4:6-19 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Napapahamak ang aking mga mamamayan dahil kulang ang kaalaman nila tungkol sa akin. Sapagkat kayo mismong mga pari ay tinanggihan ang kaalamang ito, kaya tinatanggihan ko rin kayo bilang mga pari ko. Kinalimutan ninyo ang Kautusan ko kaya kalilimutan ko rin ang mga anak ninyo. Habang dumarami kayong mga pari, dumarami rin ang mga kasalanan ninyo sa akin. Kaya ang inyong ipinagmamalaki ay gagawin kong kahihiyan. Gusto ninyong magkasala ang aking mga mamamayan para makakain kayo mula sa kanilang mga handog sa paglilinis. Kaya kung paano ko parurusahan ang mga mamamayan, parurusahan ko rin kayong mga pari. Parurusahan ko kayo dahil sa inyong mga gawa. Kumakain nga kayo pero hindi kayo nabubusog. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan para magkaanak kayo. Pero hindi kayo magkakaanak dahil itinakwil ninyo ako upang sumamba sa mga dios-diosan. “Mga mamamayan ko, ang bago at lumang alak ay nakakasira ng inyong pang-unawa. Sumasangguni kayo sa dios-diosang kahoy, at ayon na rin sa inyo, sumasagot ito. Iniligaw kayo ng mga espiritung tumutulak sa inyo para sumamba sa mga dios-diosan, kaya tinalikuran ninyo ako tulad ng babaeng nangalunya. Naghahandog kayo sa tuktok ng mga bundok at mga burol, sa ilalim ng matataas at mayayabong na mga kahoy, dahil masarap lumilim doon. Kaya ang inyong mga anak na babae ay nakikipagsiping sa mga lalaki at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. Pero hindi ko sila parurusahan sa kanilang ginagawang masama, dahil kayong mga lalaki ay nakikipagsiping din sa mga babaeng bayaran sa templo at kasama pa nilang naghahandog sa mga dios-diosan. Kaya dahil kayoʼy mga mangmang sa katotohanan, mapapahamak kayo. “Mga taga-Israel, kahit na akoʼy tinalikuran ninyo tulad ng babaeng nangalunya, huwag na ninyong idamay ang mga taga-Juda. “At kayong mga taga-Juda, huwag kayong pumunta sa Gilgal at sa Bet Aven para sumamba sa akin o gumawa ng mga pangako sa aking pangalan. Sapagkat matigas ang ulo ng mga taga-Israel katulad ng dumalagang baka na ayaw sumunod. Kaya paano ko sila mababantayan tulad ng mga tupang nasa pastulan? Sumamba sila sa mga dios-diosan kaya pabayaan na lang sila. Pagkatapos nilang uminom ng inuming nakakalasing, nakikipagsiping sila sa mga babae. Gustong-gusto ng kanilang mga pinuno ang gumawa ng mga nakahihiyang bagay. Kaya lilipulin sila na parang tinatangay ng malakas na hangin, at mapapahiya sila dahil sa kanilang paghahandog sa mga dios-diosan.”
Hosea 4:6-19 Ang Biblia (TLAB)
Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian. Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan. At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa. At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon. Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman. Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios. Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak. Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Bethaven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon. Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako. Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya. Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan. Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain.
Hosea 4:6-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nalipol ang aking bayan dahil sa kamangmangan; sapagkat itinakwil ninyo ang karunungan, itinatakwil ko rin kayo bilang pari. At dahil kinalimutan ninyo ang kautusan ng inyong Diyos, kalilimutan ko rin ang inyong mga anak. “Habang dumarami ang mga pari, lalo naman silang nagkakasala sa akin; kaya gagawin kong kahihiyan ang kanilang kadakilaan. Yumayaman sila dahil sa kasalanan ng mga tao; nabubusog sila sa kasamaan ng aking bayan. At gayon nga ang nangyayari, kung ano ang pari, gayundin ang bayan. Kaya't paparusahan ko sila at pagbabayarin, dahil sa kanilang kasamaan. Sila'y kakain, ngunit hindi mabubusog; makikipagtalik sila sa mga babae sa templo, ngunit hindi sila magkakaanak; sapagkat itinakwil nila si Yahweh at sila'y bumaling sa ibang mga diyos.” “Ang alak, luma man o bago, ay nakakasira ng pang-unawa. Sumasangguni ang aking bayan sa diyus-diyosang kahoy; itinatanong nila sa haliging kahoy kung ano ang dapat gawin. Sinasagot sila sa pamamagitan ng tungkod. Sila'y iniligaw ng masamang pamumuhay, at ipinagpalit nila sa kahalayan ang kanilang Diyos. Nag-aalay sila ng mga handog na susunugin sa mga sagradong bundok, at nagsusunog ng mga handog sa ibabaw ng mga burol, sumasamba sila sa ilalim ng mga ensina, alamo at roble, sapagkat mayabong ang mga ito at malawak ang lilim. Kaya't nakikipagtalik kahit kanino ang iyong mga anak na dalaga, at nangangalunya naman ang mga manugang mong babae. Gayunman, hindi ko paparusahan ang iyong mga anak na dalaga kahit sila'y magpakasama. Gayundin ang iyong mga manugang kahit na sila'y mangalunya; sapagkat ang mga lalaki ay nakikipagtalik din sa mga babae sa templo, at kasama nilang naghahandog sa mga diyus-diyosan. Ganyan winawasak ng mga taong hangal ang kanilang sarili. “Bagaman ikaw ay nangalunya, O Israel, hindi naman kailangang papanagutin din ang Juda. Huwag kang pumasok sa Gilgal, ni umakyat sa Beth-aven; at huwag kang sumumpa ng, ‘Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy.’ Matigas ang ulo ng Israel, tulad ng dumalagang baka. Kaya't pakakainin pa ba sila ni Yahweh tulad ng mga tupang dinadala niya sa maluwang na pastulan? Nakiisa sa mga diyus-diyosan ang Efraim; pabayaan mo na siya. Bagaman ubos na ang kanilang alak, patuloy pa rin sila sa pangangalunya; higit nilang nais ang kahihiyan kaysa karangalan. Tatangayin sila ng malakas na hangin, at mapapahiya sila nang labis dahil sa kanilang handog sa mga diyus-diyosan.
Hosea 4:6-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakuwil ng kaalaman, akin namang itatakuwil ka, upang ikaw ay huwag maging saserdote ko: yamang iyong nilimot ang kautusan ng iyong Dios, akin namang kalilimutan ang iyong mga anak. Kung paanong sila'y nagsidami, gayon sila nangagkasala laban sa akin: aking papalitan ng kahihiyan ang kanilang kaluwalhatian. Sila'y nagsisikain sa kasalanan ng aking bayan, at inilalagak ang kanilang puso sa kanilang kasamaan. At mangyayari, na kung paano ang bayan, gayon ang saserdote, at akin silang parurusahan dahil sa kanilang mga lakad, at aking gagantihin sa kanila ang kanilang mga gawa. At sila'y magsisikain, at hindi mangabubusog; sila'y magpapatutot, at hindi dadami; sapagka't sila'y nangagwalang bahala sa Panginoon. Ang pagpapatutot at ang alak at bagong alak ay nagaalis ng kaalaman. Ang aking bayan ay humingi ng payo sa kanilang tungkod, at ang kanilang tungkod ay nagpapahayag sa kanila; sapagka't ang pagpapatutot ay nagligaw sa kanila, at sila'y nagpatutot, na nagsisihiwalay sa kanilang Dios. Sila'y nangaghahain sa mga taluktok ng mga bundok, at nangagsusunog ng kamangyan sa mga burol, sa ilalim ng mga encina at ng mga alamo at ng mga roble, sapagka't ang lilim ng mga yaon ay mabuti: kaya't ang inyong mga anak na babae ay nagpatutot, at ang inyong mga manugang na babae ay nangangalunya. Hindi ko parurusahan ang inyong mga anak na babae pagka sila'y nagpatutot ni ang inyong mga manugang na babae man pagka sila'y nangangalunya; sapagka't ang mga lalake sa kanilang sarili ay nagsisiyaon kasama ng mga patutot, at sila'y nangaghahain na kasama ng mga patutot: at ang bayan na hindi nakakaalam ay nawawasak. Bagaman ikaw, Oh Israel, ay nagpapatutot, gayon ma'y huwag ipagkasala ng Juda: at huwag kayong magsiparoon sa Gilgal, ni magsisampa man kayo sa Beth-aven, ni magsisumpa man, Buhay ang Panginoon. Sapagka't ang Israel ay nagpakatigas ng ulo, gaya ng isang matigas na ulo na guyang babae: ngayo'y pakakanin sila ng Panginoon na parang batang tupa sa isang malaking dako. Ang Ephraim ay nalalakip sa mga diosdiosan; pabayaan siya. Ang kanilang inumin ay naging maasim; sila'y nagpapatutot na palagi; iniibig na mabuti ng kaniyang mga puno ang kahihiyan. Tinangay siya ng hangin sa kaniyang mga pakpak; at sila'y mangapapahiya dahil sa kanilang mga hain.