Habakuk 2:2-20
Habakuk 2:2-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang tugon ni Yahweh: “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.” Ang kayamanan ay mandaraya. Ang ganid sa salapi ay hindi makukuntento. Ang kanyang katakawan ay kasinlawak ng libingan, tulad ng kamatayan na walang kasiyahan. Kaya sinasakop niya ang mga bansa, upang maging kanya ang mga mamamayan. Darating ang araw na hahamakin ng mga nasakop ang mga sumakop sa kanila. Sasabihin nila, “Kinuha ninyo ang hindi sa inyo, kaya't kayo'y mapapahamak! Hanggang kailan pa kayo magpapayaman, habang pinipilit na magbayad ang mga may utang sa inyo?” Biglang darating ang panahon na kayo naman ang mangungutang, at pipiliting magbayad ng interes. Darating ang inyong kaaway at sisindakin kayo. Pagnanakawan nila kayo! Sinalanta ninyo ang maraming bansa, iyan din ang gagawin sa inyo ng mga nakaligtas. Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak, dahil sa inyong karahasan sa mga tao, sa daigdig at sa mga lunsod nito. Mapapahamak kayong mga nagpayaman ng inyong pamilya sa pamamagitan ng inyong mga ninakaw. Ngayo'y nagsisikap kayong ilayo sa kapahamakan at panganib ang inyong sambahayan. Ang inyong mga pagbabalak ang nagbigay ng kahihiyan sa inyong sambahayan. Winasak ninyo ang maraming bansa, kaya kayo naman ngayon ang wawasakin. Sisigaw laban sa inyo ang mga bato ng pader, at aalingawngaw sa buong kabahayan. Mapapahamak kayo! Nagtatag kayo ng lunsod sa pamamagitan ng kasamaan; itinayo ninyo ang bayan sa pamamagitan ng pagpatay. Ang mga sinakop ninyong bansa ay nagpakahirap sa walang kabuluhan, at lahat ng itinayo nila ay natupok sa apoy. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang gumawa nito. Subalit ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig. Mapapahamak kayo! Pinainom ninyo ang inyong mga kalapit bansa, ng alak na tanda ng inyong pagkapoot. Nilasing ninyo sila at hiniya, nang inyong titigan ang kanilang kahubaran. Malalagay rin kayo sa kahihiyan at hindi sa karangalan. Iinom din kayo at malalasing. Ipapainom sa inyo ni Yahweh ang inyong kaparusahan, at ang inyong karangalan ay magiging kahihiyan. Hinubaran ninyo ang kagubatan ng Lebanon; ngayon, kayo naman ang huhubaran. Pinatay ninyo ang mga hayop doon; ngayo'y kayo naman ang sisindakin nila. Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak, dahil sa inyong karahasan sa mga tao, sa daigdig at sa mga lunsod nito. Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan? Tao lamang ang gumawa nito, at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito. Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa? Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita. Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy! Pinababangon ninyo ang isang bato! May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan? Maaaring ito'y nababalot sa pilak at ginto, ngunit wala naman itong buhay. Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan niya. Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya.
Habakuk 2:2-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang sagot ng PANGINOON kay Habakuk: “Isulat nang malinaw sa sulatang bato ang pahayag na ito para madaling basahin. Isulat mo muna ito dahil hindi pa dumarating ang takdang panahon para mangyari ito. Ngunit hindi magtatagal at tiyak na mangyayari ito. Kahit magtagal nang kaunti, hintayin mo lang, dahil tiyak na mangyayari ito sa takdang panahon.” Ito ang isulat mo: “Tingnan mo ang mga taong mapagmataas. Hindi matuwid ang kanilang pamumuhay. Pero ang taong matuwid ay mabubuhay dahil sa kanyang pananampalataya. Ang totoo, hindi maaasahan ang kayamanan. At ang mga taong mapagmataas na sakim sa kayamanan ay laging balisa at walang kasiyahan. Tulad nilaʼy kamatayan na hindi makukuntento. Kaya binibihag nila ang maraming bansa. Pero kukutyain sila ng mga bansang iyon sa pamamagitan ng mga salitang ito, “ ‘Nakakaawa naman kayo, kayong nangunguha ng mga bagay na hindi sa inyo at nagpapayaman sa pamamagitan ng pandaraya. Hanggang kailan pa ninyo ito gagawin? Bigla nga kayong gagantihan ng mga bansang binihag ninyo, at dahil sa kanila ay manginginig kayo sa takot, at sila naman ang sasamsam ng inyong mga ari-arian. Dahil maraming bansa ang sinamsaman ninyo ng mga ari-arian, kayo naman ang sasamsaman ng mga natitirang tao sa mga bansang iyon. Mangyayari ito sa inyo dahil sa inyong pagpatay ng mga tao at pamiminsala sa kanilang mga lupain at mga bayan. “ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng mga bahay sa pamamagitan ng perang nakuha ninyo sa masamang paraan. Pinatitibay ninyo ang inyong mga bahay upang makaligtas kayo kapag dumating ang kapahamakan. Dahil sa pagpatay ninyo ng maraming tao, kayo rin ay papatayin at wawasakin ang inyong mga bahay. Ang mga bato ng pader at ang mga biga ng bahay ay parang tao na hihingi ng tulong dahil mawawasak na ang buong bahay. “ ‘Nakakaawa kayo, kayong nagpapatayo ng lungsod sa pamamagitan ng kalupitan. Handa kayong pumatay maitayo lamang ito. Pero ang mga ipinatayo ninyo sa mga tao na binihag ninyo ay susunugin lang, kaya mawawalan ng kabuluhan ang inyong pinagpaguran. Itinakda na iyan ng PANGINOONG Makapangyarihan. Sapagkat kung paanong ang karagatan ay puno ng tubig, ang lahat ng tao sa mundo ay mapupuno rin ng kaalaman tungkol sa kadakilaan ng PANGINOON. “ ‘Nakakaawa kayo! Sa inyong poot ay ipinahiya ninyo ang inyong mga karatig bansa. Parang nilalasing ninyo sila upang makita ninyo silang huboʼt hubad. Ngayon kayo naman ang ilalagay sa kahihiyan sa halip na parangalan, dahil parurusahan kayo ng PANGINOON. Kayo naman ang paiinumin niya sa tasa ng kanyang galit, at kapag lasing na kayo, makikita ang inyong kahubaran at malalagay kayo sa kahihiyan. Pinutol ninyo ang mga puno sa Lebanon, at dahil dito, namatay ang mga hayop doon. Kaya ngayon, kayo naman ang pipinsalain at manginginig sa takot. Mangyayari ito sa inyo dahil sa pagpatay ninyo ng mga tao at pagpinsala sa kanilang mga lupain at mga bayan. “ ‘Ano ang kabuluhan ng mga dios-diosan? Gawa lang naman ang mga ito ng tao mula sa kahoy o metal, at hindi makapagsasabi ng katotohanan. At bakit nagtitiwala sa mga dios-diosang ito ang mga taong gumawa sa kanila? Ni hindi nga makapagsalita ang mga ito? Nakakaawa kayong nagsasabi sa rebultong kahoy o bato, “Gumising ka at tulungan kami.” Ni hindi nga iyan makapagtuturo sa inyo. At kahit pa balot iyan ng ginto at pilak, wala namang buhay. Pero ang PANGINOON ay nasa kanyang banal na templo. Kaya ang buong mundo ay manahimik sa kanyang presensya.’ ”
Habakuk 2:2-20 Ang Biblia (TLAB)
At ang Panginoon ay sumagot sa akin, at nagsabi, Isulat mo ang pangitain, at iukit mo na malinaw sa mga tapyas na bato upang makatakbo ang bumabasa niyaon. Sapagka't ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya. Oo, bukod dito'y ang alak ay magdaraya, isang taong hambog, at hindi natitira sa bahay; na lumaki ang kaniyang nasa na parang Sheol, at siya'y parang kamatayan, at hindi masisiyahan, kundi pinipisan sa kaniya ang lahat na bansa, at ibinubunton sa kaniya ang lahat na bayan. Hindi baga ang lahat ng ito ay magbabadya ng talinhaga laban sa kaniya, at ng nakagagalit na kawikaan laban sa kaniya, at mangagsasabi, Sa aba niya na nagpaparami ng di kaniya! hanggang kailan? at nagpapasan siya sa kaniyang sarili ng mga sangla! Hindi baga sila mangagtitindig, na bigla na kakagat sa iyo, at magsisigising na babagabag sa iyo, at ikaw ay magiging samsam sa kanila? Dahil sa iyong sinamsaman ang maraming bansa, lahat ng nalabi sa mga tao ay magsisisamsam sa iyo, dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa karahasang ginawa sa lupain, sa bayan at sa lahat ng nagsisitahan doon. Sa aba niya na nagiimpok ng masamang pakinabang para sa kaniyang sangbahayan, upang kaniyang mailagay ang pugad niya sa itaas, upang siya'y maligtas sa kamay ng kasamaan! Ikaw ay naghaka ng ikahihiya ng iyong sangbahayan, sa paghihiwalay ng maraming tao, at ikaw ay nagkasala laban sa iyong sarili. Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot. Sa aba niya na nagtatayo ng bayan sa pamamagitan ng dugo, at nagtatatag ng bayan sa pamamagitan ng kasamaan! Narito, hindi baga dahil sa Panginoon ng mga hukbo na ang mga tao ay nagsisigawa para sa apoy, at ang mga bansa ay nangagpapakapagod sa walang kabuluhan? Sapagka't ang lupa ay mapupuno ng kaalaman ng kaluwalhatian ng Panginoon, gaya ng pagtakip ng tubig sa dagat. Sa aba niya na nagpapainom ng alak sa kaniyang kapuwa, na idinadagdag mo ang iyong kamandag, at nilalasing mo rin naman siya, upang iyong mamasdan ang kaniyang kahubaran! Ikaw ay puno ng kahihiyan, at hindi ng kaluwalhatian: uminom ka naman, at maging gaya ng isang hindi tuli; ang saro ng kanan ng Panginoon ay mababalik sa iyo, at kasuklamsuklam na kahihiyan ang mahahalili sa iyong kaluwalhatian. Sapagka't ang pangdadahas na ginawa sa Libano ay tatakip sa iyo, at ang panggigiba sa mga hayop na nakatakot sa kanila; dahil sa dugo ng mga tao, at dahil sa pangdadahas na ginawa sa lupain, sa bayan, at sa lahat na nagsisitahan doon. Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao'y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan? Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon. Nguni't ang Panginoo'y nasa kaniyang banal na templo: tumahimik ang buong lupa sa harap niya.
Habakuk 2:2-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang tugon ni Yahweh: “Isulat mo nang malinaw sa mga tapyas ng bato ang pangitaing ipahahayag ko sa iyo, upang sa isang sulyap ay mabasa agad at maipabatid ito. Isulat mo ito sapagkat hindi pa panahon upang ito ay maganap. Ngunit mabilis na lilipas ang panahon, at mangyayari ang ipinakita ko sa iyo. Bagama't parang mabagal ito, hintayin mo. Tiyak na mangyayari at hindi maaantala ito. Ito ang mensahe: “Ang hambog ay mabibigo sa kanyang pagmamataas, ngunit ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.” Ang kayamanan ay mandaraya. Ang ganid sa salapi ay hindi makukuntento. Ang kanyang katakawan ay kasinlawak ng libingan, tulad ng kamatayan na walang kasiyahan. Kaya sinasakop niya ang mga bansa, upang maging kanya ang mga mamamayan. Darating ang araw na hahamakin ng mga nasakop ang mga sumakop sa kanila. Sasabihin nila, “Kinuha ninyo ang hindi sa inyo, kaya't kayo'y mapapahamak! Hanggang kailan pa kayo magpapayaman, habang pinipilit na magbayad ang mga may utang sa inyo?” Biglang darating ang panahon na kayo naman ang mangungutang, at pipiliting magbayad ng interes. Darating ang inyong kaaway at sisindakin kayo. Pagnanakawan nila kayo! Sinalanta ninyo ang maraming bansa, iyan din ang gagawin sa inyo ng mga nakaligtas. Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak, dahil sa inyong karahasan sa mga tao, sa daigdig at sa mga lunsod nito. Mapapahamak kayong mga nagpayaman ng inyong pamilya sa pamamagitan ng inyong mga ninakaw. Ngayo'y nagsisikap kayong ilayo sa kapahamakan at panganib ang inyong sambahayan. Ang inyong mga pagbabalak ang nagbigay ng kahihiyan sa inyong sambahayan. Winasak ninyo ang maraming bansa, kaya kayo naman ngayon ang wawasakin. Sisigaw laban sa inyo ang mga bato ng pader, at aalingawngaw sa buong kabahayan. Mapapahamak kayo! Nagtatag kayo ng lunsod sa pamamagitan ng kasamaan; itinayo ninyo ang bayan sa pamamagitan ng pagpatay. Ang mga sinakop ninyong bansa ay nagpakahirap sa walang kabuluhan, at lahat ng itinayo nila ay natupok sa apoy. Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang gumawa nito. Subalit ang buong mundo ay mapupuno ng mga taong kumikilala at dumadakila kay Yahweh, kung paanong ang karagatan ay napupuno ng tubig. Mapapahamak kayo! Pinainom ninyo ang inyong mga kalapit bansa, ng alak na tanda ng inyong pagkapoot. Nilasing ninyo sila at hiniya, nang inyong titigan ang kanilang kahubaran. Malalagay rin kayo sa kahihiyan at hindi sa karangalan. Iinom din kayo at malalasing. Ipapainom sa inyo ni Yahweh ang inyong kaparusahan, at ang inyong karangalan ay magiging kahihiyan. Hinubaran ninyo ang kagubatan ng Lebanon; ngayon, kayo naman ang huhubaran. Pinatay ninyo ang mga hayop doon; ngayo'y kayo naman ang sisindakin nila. Uusigin kayo dahil sa dugong inyong pinadanak, dahil sa inyong karahasan sa mga tao, sa daigdig at sa mga lunsod nito. Ano ang kabuluhan ng diyus-diyosan? Tao lamang ang gumawa nito, at pawang kasinungalingan ang sinasabi nito. Ano ang ginagawa nitong mabuti upang pagkatiwalaan ng gumawa? Ito ay isang diyos na hindi man lang makapagsalita. Mapapahamak kayo! Ginigising ninyo ang isang pirasong kahoy! Pinababangon ninyo ang isang bato! May maipapahayag ba sa inyo ang isang diyus-diyosan? Maaaring ito'y nababalot sa pilak at ginto, ngunit wala naman itong buhay. Si Yahweh ay nasa kanyang banal na templo, tumahimik ang lahat sa harapan niya. Manahimik ang buong sanlibutan sa kanyang presensya.
Habakuk 2:2-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)