Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Galacia 2:14-20

Mga Taga-Galacia 2:14-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Nang makita kong hindi na ayon sa katotohanan ng Magandang Balita ang ginagawa nila, pinagsabihan ko si Pedro sa harap ng lahat, “Bakit mo pinipilit ang mga Hentil na mamuhay na parang mga Hudyo? Ikaw nga mismo na isang Hudyo ay namumuhay na parang Hentil.” Kaming mga ipinanganak na Hudyo ay iba sa mga Hentil na itinuturing ng mga kapwa naming Hudyo na makasalanan. Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kami ay sumampalataya rin kay Kristo Hesus upang maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Ngayon, kung lumalabas na makasalanan pa rin kami dahil nagsusumikap kaming maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya namin kay Kristo, ibig bang sabihin nito na si Kristo ang nagdala sa amin sa kasalanan? Hindi! Ngunit kung babalikan ko naman ang pagsunod sa Kautusang tinalikuran ko na, ako na rin ang nagpapatunay na makasalanan ako. Sa katunayan, sa pamamagitan mismo ng Kautusan, nalaman ko na wala nang kapangyarihan ang Kautusan sa akin. Kaya malaya na akong mamuhay para sa Diyos. Namatay akong kasama ni Kristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Kristo na. Ang buhay ko ngayon ay ayon na sa aking pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin.

Mga Taga-Galacia 2:14-20 Ang Biblia (TLAB)

Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio? Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga makasalanang Gentil, Bagama't naaalaman na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman. Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail. Sapagka't ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay, sa kautusan, upang ako'y mabuhay sa Dios. Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.

Mga Taga-Galacia 2:14-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)