Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GALACIA 2

2
1Nang makaraan nga ang labing-apat na taon #Gawa 15:2. ay umahon akong muli sa Jerusalem na kasama si #Gawa 4:36. Bernabe, at isinama ko rin naman si #2 Cor. 2:13. Tito.
2At ako'y umahon #Gal. 1:12. dahil sa pahayag; #Gawa 15:12. at isinaysay ko sa harapan nila ang evangelio na aking ipinangangaral sa gitna ng mga Gentil, datapuwa't sa harapan ng mga may dangal ay sa lihim, #Gal. 4:11; 1 Tes. 3:5. baka sa anomang paraan ako'y tatakbo, o tumakbo, ng walang kabuluhan.
3Datapuwa't maging si Tito man na kasama ko, bagama't Griego, ay hindi #Gawa 16:3. napilit na patuli.
4At yaon ay dahil sa mga #2 Cor. 11:26. hindi tunay na kapatid na #2 Ped. 2:1. ipinasok ng lihim, na nagsipasok ng lihim upang tiktikan ang aming #Gal. 5:1. kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus, #Gal. 4:3, 9, 24, 25; 5:1. upang kami'y ilagay nila sa pagkaalipin:
5Sa mga yaon ay hindi kami napahinuhod na supilin kami, kahit isang oras; upang ang katotohanan ng evangelio ay manatili sa inyo.
6Datapuwa't ang mga wari'y may dangal ng kaunti (maging anoman sila, ay walang anoman sa akin: ang Dios ay hindi tumatanggap ng anyo ninoman)—silang may dangal, sinasabi ko, ay hindi nagbahagi sa akin ng anoman:
7Kundi bagkus #tal. 8; Gawa 9:15; Gal. 1:16. nang makita nila na #1 Tim. 1:11. sa akin ay ipinagkatiwala ang evangelio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkakatiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli
8(Sapagka't ang naghanda kay Pedro sa pagkaapostol sa pagtutuli ay #Gal. 3:5. naghanda rin naman sa akin sa pagkaapostol sa mga Gentil);
9At nang makita nila ang biyayang sa akin ay ipinagkaloob, ang mga kanang kamay ng pakikisama ay ibinigay sa akin at kay #tal. 1. Bernabe ni #tal. 12; Gawa 12:17. Santiago at ni #1 Cor. 1:12. Cefas at ni Juan, sila na mga #tal. 2, 6. inaaring #Apoc. 3:12. haligi, upang kami ay magsiparoon sa mga Gentil, at sila'y sa pagtutuli;
10Ang kanila lamang hinihiling #Rom. 12:13. ay aming alalahanin ang mga dukha; na ang bagay ring ito'y aking pinagsisikapan gawain.
11Nguni't nang dumating si Cefas sa #Gawa 11:26. Antioquia, ay sumalansang ako sa kaniya ng mukhaan, sapagka't siya'y nararapat hatulan.
12Sapagka't bago nagsidating ang ilang mula kay Santiago, ay #Gawa 10:28; 11:3; 15:28, 29. nakisalo siya sa mga Gentil; nguni't nang sila'y magsidating na, siya'y umurong, at humiwalay sa mga Gentil, palibhasa'y natatakot sa #Gawa 10:45. mga sa pagtutuli.
13At ang ibang mga Judio ay nangagpakunwari rin namang kasama niya: ano pa't pati si Bernabe ay nabuyo sa kanilang pagkukunwari.
14Nguni't nang aking makita na hindi sila nagsisilakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng evangelio, sinabi ko kay Cefas sa harapan nilang lahat, Kung ikaw, na Judio, ay namumuhay gaya ng mga Gentil, at di gaya ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay na gaya ng mga Judio?
15Tayo'y mga Judio sa katutubo, at hindi mga #Ef. 2:12. makasalanang Gentil,
16Bagama't naaalaman #Gawa 13:38, 39; Gal. 3:11. na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa mga gawang ayon sa kautusan, maliban na #Rom. 1:17; 3:22, 28; 5:1; Gal. 3:24. sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo, tayo rin ay nagsisampalataya kay Cristo Jesus, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi dahil sa mga gawang ayon sa kautusan: sapagka't sa mga gawang ayon sa kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinomang laman.
17Nguni't kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo'y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari.
18Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako'y suwail.
19Sapagka't ako #Rom. 3:20. sa pamamagitan ng kautusan #Rom. 7:4, 6. ay namatay, sa kautusan, #Rom. 6:11. upang ako'y mabuhay sa Dios.
20Ako'y napako sa krus na #Rom. 6:6. kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay #Rom. 8:37. umibig, at #Gal. 1:4; Tit. 2:14. ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin.
21Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: #Gal. 3:21; 5:4; Heb. 7:11. sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.

Kasalukuyang Napili:

GALACIA 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya