Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Exodo 33:7-23

Exodo 33:7-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Nakaugalian na ni Moises na itayo ang tabernakulo sa isang lugar na malayu-layo sa kampo; tinawag iyong Toldang Tipanan ng Diyos at ng mga tao. Doon pumupunta ang sinumang nais sumangguni kay Yahweh. Tuwing papasok doon si Moises, ang mga Israelita'y tumatayo sa pintuan ng kanilang tolda at tinitingnan siya hanggang sa siya'y makapasok. Kapag nasa loob na si Moises, bumababa naman sa may pinto ng Toldang Tipanan ang haliging ulap at mula roo'y makikipag-usap sa kanya si Yahweh. Kapag nakita ng mga Israelita na nasa pintuan ng Tolda ang haliging ulap, pumupunta naman sila sa pintuan ng kanilang tolda at doo'y yumuyuko at sumasamba. Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa Tolda si Josue, ang lingkod niya. Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Iniutos ninyo sa aking pangunahan ko ang bayang ito papunta sa lupaing ipinangako ninyo. Ngunit hindi ninyo sinabi kung sino ang makakatulong ko. Sinabi pa ninyong nalulugod po kayo sa akin at kilalang-kilala ninyo ako. Kung ito'y totoo, ipinapakiusap kong sabihin ninyo sa akin ang inyong mga balak gawin para malaman ko upang patuloy kayong malulugod sa akin. Alalahanin din ninyo na ang bayang Israel ay inyo.” “Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan,” sagot ni Yahweh. Sinabi ni Moises, “Kung hindi ninyo kami sasamahan, huwag na po ninyo kaming paalisin dito. Sapagkat kung hindi kayo sasama sa amin, paano malalaman ng lahat na kami po ay inyong kinalulugdan? Kung sasama kayo sa amin, maliwanag na kami'y naiiba sa lahat ng mga bansa.” “Sige, gagawin ko ang hiling mo sapagkat ako'y nalulugod sa iyo at kilalang-kilala kita,” sabi ni Yahweh. Kaya't hiniling ni Moises, “Yahweh, ipakita po ninyo sa akin ang inyong kaluwalhatian!” “Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan, ngunit hindi mo maaaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamamatay ang sinumang makakita niyon. Dito sa tabi ko'y may matatayuan kang bato. Pagdaan ng aking maningning na kaluwalhatian, ipapasok kita sa siwang ng batong ito at tatakpan kita ng aking kamay. Pagkalampas ko'y aalisin ko na ang aking kamay at makikita mo ang likod ko, ngunit hindi ang aking mukha,” sagot ni Yahweh.

Exodo 33:7-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

Nakaugalian na ni Moises na itayo ang Tolda malayo sa kampo. Ang Toldang itoʼy tinatawag na “Toldang Tipanan.” Pumupunta sa Toldang ito ang sinumang gustong malaman ang kalooban ng PANGINOON. Sa tuwing papasok si Moises sa Tolda, tumatayo ang mga tao sa pintuan ng mga tolda nila. Tinitingnan nila si Moises hanggang sa makapasok siya sa Tolda. At habang naroon si Moises sa loob, bumababa ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda habang nakikipag-usap ang PANGINOON sa kanya. At kapag nakita ng mga tao ang makapal na ulap sa pintuan ng Tolda, tumatayo sila at sumasamba sa PANGINOON sa may pintuan ng tolda nila. Kapag nakikipag-usap ang PANGINOON kay Moises, magkaharap sila, katulad ng magkaibigan na nagkukwentuhan. Pagkatapos, bumabalik si Moises sa kampo, pero ang binata niyang lingkod na si Josue na anak ni Nun ay nananatili sa Tolda. Sinabi ni Moises sa PANGINOON, “Lagi po ninyong sinasabi sa akin na pangunahan ko ang inyong mga mamamayan sa pagpunta sa lupaing ipinangako ninyo, pero hindi pa po ninyo ipinapaalam kung sino ang pasasamahin ninyo sa akin. Sinabi pa po ninyo na kilalang-kilala nʼyo ako at nalulugod kayo sa akin. Kung totoo pong nalulugod kayo sa akin, turuan nʼyo ako ng mga pamamaraan ninyo para makilala ko kayo at para mas matuwa pa kayo sa akin. Alalahanin po ninyong ang bansang ito ay bayan ninyo.” Sumagot ang PANGINOON, “Ako mismo ang sasama sa iyo, at bibigyan kita ng kapahingahan.” Sinabi ni Moises sa kanya, “Kung hindi po ninyo kami sasamahan, huwag nʼyo na lang po kaming paalisin sa lugar na ito. Dahil paano po malalaman ng iba na nalulugod kayo sa akin at sa inyong mga mamamayan kung hindi nʼyo kami sasamahan? At paano po nila malalaman na espesyal kaming mga mamamayan kaysa sa ibang mamamayan sa mundo?” Sumagot ang PANGINOON kay Moises, “Gagawin ko ang ipinapakiusap mo, dahil nalulugod ako sa iyo at kilalang-kilala kita.” Sinabi ni Moises, “Ipakita po ninyo sa akin ngayon ang makapangyarihang presensya ninyo.” Sumagot ang PANGINOON, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang PANGINOON. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan. Pero hindi ko ipapakita sa iyo ang aking mukha dahil walang taong nakakita sa mukha ko nang nabuhay.” Sinabi ng PANGINOON, “Tumayo ka rito sa bato malapit sa akin. At habang dumadaan ang makapangyarihan presensya ko, ipapasok kita sa siwang ng bato at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa makadaan ako. Pagkatapos, tatanggalin ko ang kamay ko at makikita mo ang likod ko, pero hindi ang aking mukha.”

Exodo 33:7-23 Ang Biblia (TLAB)

Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento. At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda. At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises. At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda. At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda. At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan. At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan. At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito. Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa? At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan. At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan. At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.

Exodo 33:7-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Nakaugalian na ni Moises na itayo ang tabernakulo sa isang lugar na malayu-layo sa kampo; tinawag iyong Toldang Tipanan ng Diyos at ng mga tao. Doon pumupunta ang sinumang nais sumangguni kay Yahweh. Tuwing papasok doon si Moises, ang mga Israelita'y tumatayo sa pintuan ng kanilang tolda at tinitingnan siya hanggang sa siya'y makapasok. Kapag nasa loob na si Moises, bumababa naman sa may pinto ng Toldang Tipanan ang haliging ulap at mula roo'y makikipag-usap sa kanya si Yahweh. Kapag nakita ng mga Israelita na nasa pintuan ng Tolda ang haliging ulap, pumupunta naman sila sa pintuan ng kanilang tolda at doo'y yumuyuko at sumasamba. Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay harap-harapan, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa Tolda si Josue, ang lingkod niya. Sinabi ni Moises kay Yahweh, “Iniutos ninyo sa aking pangunahan ko ang bayang ito papunta sa lupaing ipinangako ninyo. Ngunit hindi ninyo sinabi kung sino ang makakatulong ko. Sinabi pa ninyong nalulugod po kayo sa akin at kilalang-kilala ninyo ako. Kung ito'y totoo, ipinapakiusap kong sabihin ninyo sa akin ang inyong mga balak gawin para malaman ko upang patuloy kayong malulugod sa akin. Alalahanin din ninyo na ang bayang Israel ay inyo.” “Sasamahan ko kayo at bibigyan ko kayo ng kapayapaan,” sagot ni Yahweh. Sinabi ni Moises, “Kung hindi ninyo kami sasamahan, huwag na po ninyo kaming paalisin dito. Sapagkat kung hindi kayo sasama sa amin, paano malalaman ng lahat na kami po ay inyong kinalulugdan? Kung sasama kayo sa amin, maliwanag na kami'y naiiba sa lahat ng mga bansa.” “Sige, gagawin ko ang hiling mo sapagkat ako'y nalulugod sa iyo at kilalang-kilala kita,” sabi ni Yahweh. Kaya't hiniling ni Moises, “Yahweh, ipakita po ninyo sa akin ang inyong kaluwalhatian!” “Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan, ngunit hindi mo maaaring makita ang aking mukha sapagkat tiyak na mamamatay ang sinumang makakita niyon. Dito sa tabi ko'y may matatayuan kang bato. Pagdaan ng aking maningning na kaluwalhatian, ipapasok kita sa siwang ng batong ito at tatakpan kita ng aking kamay. Pagkalampas ko'y aalisin ko na ang aking kamay at makikita mo ang likod ko, ngunit hindi ang aking mukha,” sagot ni Yahweh.

Exodo 33:7-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento. At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda. At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises. At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda. At nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda. At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay iyong bayan. At kaniyang sinabi, Ako'y sasa iyo, at ikaw ay aking bibigyan ng kapahingahan. At sinabi niya sa kaniya, Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito. Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa? At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan. At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan. At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya