EXODO 33
33
Ang Panginoon ay lumayo sa kanila.
1At sinalita ng Panginoon kay Moises, Yumaon ka, sumampa ka mula rito, ikaw at ang bayan na iyong isinampa mula sa lupain ng Egipto, na patungo kayo sa lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na aking sinasabi, #Gen. 12:7.Sa iyong binhi ay aking ibibigay.
2At #Ex. 32:34.aking susuguin ang isang anghel sa unahan mo: at aking #Ex. 13:5.palalayasin ang Cananeo, ang Amorrheo, at ang Hetheo, at ang Pherezeo, ang Heveo, at ang Jebuseo:
3 #
Ex. 3:8. Sa isang lupaing binubukalan ng gatas at pulot: #tal. 15, 17.sapagka't hindi ako sasampa sa gitna mo; sapagka't ikaw ay bayang may matigas na ulo; baka ikaw ay aking lipulin sa daan.
4At nang marinig ng bayan ang masasamang balitang ito, #Blg. 14:39.ay nanangis sila: #Ezek. 24:17, 23.at walang taong nagsuot ng kaniyang mga pahiyas.
5At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sabihin mo sa mga anak ni Israel, Kayo'y isang bayang may matigas na ulo: kung ako'y sumampa sa gitna mo na sangdali, ay lilipulin kita: kaya't ngayo'y alisin mo ang iyong mga pahiyas sa iyo upang aking maalaman kung anong aking gagawin sa iyo.
6At ang mga anak ni Israel ay naghubad ng kanilang mga pahiyas mula sa bundok ng Horeb.
7Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, #Ex. 29:42, 43.na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.
8At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon #Blg. 16:27.at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.
9At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa #Ex. 13:21.ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.
10At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.
11At #Gen. 32:30; Blg. 12:8; Deut. 34:10.nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang #Ex. 24:13.si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.
Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.
12At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, #Ex. 32:34.iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.
13Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, #Awit 25:4; 119:33.ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay #Deut. 9:29; Joel 2:17.iyong bayan.
14At kaniyang sinabi, #Ex. 40:34-38; Is. 63:9.Ako'y sasa iyo, at ikaw ay #Deut. 3:20; Jos. 21:44; 22:4; 23:1; Awit 95:11.aking bibigyan ng kapahingahan.
15At sinabi niya sa kaniya, #tal. 3.Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.
16Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? #Blg. 14:14.hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, #1 Hari 8:53.upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?
17At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: #tal. 12, 13. sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.
18At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.
19At kaniyang sinabi, #Ex. 34:5, 7; Awit 31:19; Jer. 31:14.Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y #Rom. 9:15.magkakaloob ng #Rom. 4:4; 9:16, 18.biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.
20At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: #Gen. 32:30; Deut. 5:24; Huk. 6:22; 13:22; Is. 6:5; Apoc. 1:16, 17; Ex. 24:10.sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.
21At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:
22At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:
23At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha #Juan 1:18; 1 Tim. 6:16; 1 Juan 4:12.ay hindi makikita.
Kasalukuyang Napili:
EXODO 33: ABTAG
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Biblia © Philippine Bible Society, 1982