Exodo 33:19
Exodo 33:19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan
Exodo 33:19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumagot ang PANGINOON, “Ipapakita ko sa iyo ang lahat ng kabutihan ko, at ipapaalam ko sa iyo ang pangalan ko, ang PANGINOON. Mahahabag ako sa gusto kong kahabagan; maaawa ako sa gusto kong kaawaan.
Exodo 33:19 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y magkakaloob ng biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.
Exodo 33:19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Makikita mong lahat ang aking kaluwalhatian at bibigkasin ko sa iyo ang aking pangalan: Yahweh. Mahahabag ako sa nais kong kahabagan at maaawa ako sa nais kong kaawaan
Exodo 33:19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)