Ang Mangangaral 3:1-8
Ang Mangangaral 3:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
Ang Mangangaral 3:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang. May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay. May oras ng paghahanap at may oras ng paghinto ng paghahanap; may oras ng pagtatago at may oras ng pagtatapon. May oras ng pagpunit at may oras ng pagtahi; may oras ng pagtahimik at may oras ng pagsasalita. May oras ng pagmamahal at may oras ng pagkagalit; may oras ng digmaan at may oras ng kapayapaan.
Ang Mangangaral 3:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap; Panahon ng paghanap, at panahon ng pagkawala: panahon ng pagiingat, at panahon ng pagtatapon; Panahon ng pagpunit, at panahon ng pananahi; panahon ng pagtahimik, at panahon ng pagsasalita; Panahon ng pagibig, at panahon ng pagtatanim; panahon ng digma, at panahon ng kapayapaan.
Ang Mangangaral 3:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan.
Ang Mangangaral 3:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)