Ang Mangangaral 3:1-5
Ang Mangangaral 3:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.
Ang Mangangaral 3:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
May oras na nakatakda para sa lahat ng gawain dito sa mundo: May oras ng pagsilang at may oras ng kamatayan; may oras ng pagtatanim at may oras ng pag-aani. May oras ng pagpatay at may oras ng pagpapagaling; may oras ng pagsira at may oras ng pagpapatayo. May oras ng pagluha at may oras ng pagtawa; may oras ng pagluluksa at may oras ng pagdiriwang. May oras ng pagkakalat ng bato at may oras ng pagtitipon nito; may oras ng pagsasama at may oras ng paghihiwalay.
Ang Mangangaral 3:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Sa bawa't bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawa't panukala sa silong ng langit: Panahon ng kapanganakan, at panahon ng kamatayan; panahon ng pagtatanim, at panahon ng pagbunot ng itinanim; Panahon ng pagpatay, at panahon ng pagpapagaling; panahon ng paggiba, at panahon ng pagtatayo; Panahon ng pagiyak, at panahon ng pagtawa; panahon ng pagtangis, at panahon ng pagsayaw; Panahon ng paghahagis ng mga bato, at panahon ng pagpipisan ng mga bato; panahon ng pagyakap, at panahon ng pagpipigil sa pagyakap
Ang Mangangaral 3:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo.
Ang Mangangaral 3:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)