Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Daniel 2:24-49

Daniel 2:24-49 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc, ang opisyal na inutusan upang patayin ang mga tagapayo ng Babilonia. Sinabi niya, “Huwag mo munang patayin ang mga matatalinong tao. Samahan mo ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip.” Dali-daling iniharap ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi niya, “Mahal na hari, narito po ang isa sa mga dinalang-bihag mula sa Juda. Siya po ang makapagpapaliwanag sa inyong panaginip.” Si Daniel na tinatawag na Beltesazar ay tinanong ng hari, “Masasabi at maipapaliwanag mo ba sa akin ang aking panaginip?” Sumagot si Daniel, “Ang hiwagang gustong alamin ng hari ay hindi maipapaliwanag ng sinumang matalinong tagapayo, enkantador, salamangkero, o manghuhula. Ngunit mayroon pong isang Diyos sa kalangitan na naghahayag ng mga hiwaga at ipinakita niya sa Haring Nebucadnezar ang mga mangyayari sa mga darating na panahon. Ito ang panaginip na inyong nakita habang kayo'y natutulog: “Mahal na hari, ang panaginip ninyo ay tungkol sa mangyayari sa hinaharap at ipinapaalam ito sa inyo ng Diyos na nakakaalam ng lahat ng hiwaga. Ang hiwagang ito ay ipinaalam sa akin, hindi dahil ako'y higit na matalino kaysa iba, kundi upang ipaliwanag ito sa inyo at upang maunawaan ninyo ang gumugulo sa inyong isipan. “Mahal na hari, ang nakita ninyo ay isang malaki at nakakasilaw na rebulto. Nakatayo ito sa inyong harapan at nakakatakot pagmasdan. Ang ulo nito ay lantay na ginto, at pilak ang dibdib at mga bisig. Tanso naman ang tiyan at mga hita nito. Ang mga binti ay bakal at ang mga paa ay pinaghalong bakal at putik. Habang pinagmamasdan ninyo ito, may batong natipak sa bundok na bumagsak sa mga paa ng rebulto at nadurog ang mga paa. Pagkatapos, nadurog ding lahat ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Naging parang ipa ito at tinangay ng hangin at walang naiwan kahit bakas. Samantala, ang tipak ng batong bumagsak dito ay naging isang napakalaking bundok na pumuno sa buong daigdig. “Mahal na hari, iyan po ang inyong panaginip, at narito naman ang kahulugan: Kayo po ang pinakadakila sa lahat ng mga hari. At kayo po ay pinagkalooban ng Diyos sa langit ng kaharian, kapangyarihan, lakas, at karangalan. Niloob ng Diyos na masakop ninyo ang lahat ng tao, hayop, at ibon sa lahat ng dako. Kayo ang ulong gintong iyon. Ang susunod sa inyo ay ang ikalawang kaharian na mas mahina kaysa inyo. Pagkatapos, lilitaw ang pangatlong kaharian na isinasagisag ng tanso, at sasakupin nito ang buong daigdig. Ang pang-apat na kaharian ay sintigas ng bakal. Katulad ng nagagawa ng bakal, dudurugin ng kahariang ito ang buong daigdig. Ang kahulugan naman ng nakita ninyong mga paa na yari sa bakal at putik ay ito: mahahati ang kaharian ngunit mananatili ang tigas ng bakal sapagkat ito'y nakahalo sa putik. Ganito naman ang kahulugan ng mga paang yari sa pinaghalong bakal at putik: May bahagi itong matibay at may bahagi namang marupok. Ang kahulugan ng pinagsamang bakal at putik ay pag-aasawa ng magkakaibang lahi; ngunit hindi ito magtatagal kung paanong hindi maaaring paghaluin ang bakal at putik. Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos sa kalangitan ay magtatatag ng isang kahariang hindi maibabagsak kailanman, ni masasakop ninuman. Dudurugin nito at ganap na wawasakin ang iba pang kaharian, at mananatili ito magpakailanman. Kaya't hindi na makakabangon ang mga iyon kahit kailan. Katulad ito ng inyong nakitang tipak ng bato na dumurog sa rebultong yari sa bakal, putik, tanso, pilak, at ginto. Mahal na hari, ang mangyayari sa hinaharap ay ipinapaalam na sa inyo ng dakilang Diyos. Ito po ang inyong panaginip at tiyak ang kahulugan nito.” Yumukod si Haring Nebucadnezar na lapat ang mukha sa lupa at nagbigay galang kay Daniel. Pagkatapos, iniutos niyang handugan ito ng insenso at iba pang alay. Sinabi niya kay Daniel, “Tunay na ang Diyos mo ang pinakadakila sa lahat ng mga diyos at Panginoon ng mga hari. Siya ang tagapagpahayag ng mga hiwaga kaya naipahayag mo ang hiwagang ito.” Pinarangalan ng hari si Daniel at binigyan ng napakaraming handog. Siya ay ginawa nitong tagapamahala sa buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng mga tagapayo ng Babilonia. Hiniling naman ni Daniel sa hari na sina Shadrac, Meshac at Abednego ay gawing tagapangasiwa sa Babilonia upang siya'y makapanatili sa palasyo ng hari.

Daniel 2:24-49 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan. Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon? Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man. Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito: Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari. Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso. Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot. Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso, Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto. Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag. Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa. Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari. Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian; At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto. At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa. At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto. At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik. At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man. Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat. Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya. Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito. Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.

Daniel 2:24-49 Ang Salita ng Dios (ASND)

Pagkatapos, bumalik si Daniel kay Arioc na inutusan ng hari para patayin ang mga marurunong na tao sa Babilonia. Sinabi ni Daniel sa kanya, “Huwag mo muna silang patayin; dalhin mo muna ako sa hari at ipapaliwanag ko ang kanyang panaginip.” Kaya dali-daling dinala ni Arioc si Daniel sa hari. Sinabi ni Arioc, “Mahal na Hari, may nakita po akong bihag mula sa Juda na makapagpapaliwanag ng inyong panaginip.” Tinanong ng hari si Daniel na tinatawag ding Belteshazar, “Talaga bang mahuhulaan mo ang aking panaginip at maipapaliwanag ang kahulugan nito?” Sumagot si Daniel, “Mahal na Hari, wala pong sinumang marunong katulad ng mga mangkukulam, engkantador, o manghuhula ang makakapagpaliwanag ng inyong panaginip. Pero may Dios sa langit na naghahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag niya sa inyo sa panaginip ang mangyayari sa hinaharap. Ngayon, sasabihin ko po sa inyo ang mga pangitaing nakita ninyo sa inyong panaginip. “Habang natutulog po kayo, Mahal na Hari, nanaginip kayo tungkol sa mga mangyayari sa hinaharap. Ipinapaalam ito sa inyo ng Dios na tagapagpahayag ng mga mahiwagang bagay. At inihayag sa akin ng Dios ang inyong panaginip hindi dahil mas matalino ako kaysa sa iba kundi para maipaliwanag ko sa inyo at maintindihan nʼyo ang gumugulo sa inyong isipan. “Ito po ang inyong panaginip: May nakita kayong malaking rebulto na nakakasilaw na nakatayo sa inyong harapan at nakakatakot tingnan. Ang ulo nito ay purong ginto, ang mga bisig at dibdib ay pilak, ang tiyan at hita ay tanso. Ang kanyang mga binti ay bakal at ang kanyang mga paa naman ay bakal at luwad. At habang tinitingnan nʼyo po ang rebulto, may batong natipak na hindi kagagawan ng tao. Tumama ito sa mga paang bakal at luwad ng rebulto, at nawasak ang kanyang mga paa. Agad namang nadurog ang buong rebulto na gawa sa bakal, luwad, tanso, pilak at ginto. At parang naging ipa sa giikan na ipinadpad ng hangin kung saan-saan. Pero ang batong bumagsak sa paa ng rebulto ay naging malaking bundok at pumuno sa buong mundo. “Iyan po ang panaginip nʼyo, at ito naman ang kahulugan: Mahal na Hari, kayo ang hari ng mga hari. Ginawa kayong hari ng Dios sa langit at binigyan ng kapangyarihan, kalakasan, at karangalan. Ipinasakop niya sa inyo ang mga tao, mga hayop at mga ibon sa lahat ng dako. Kayo ang sumisimbolo sa gintong ulo ng rebulto. “Ang susunod sa inyong kaharian ay mas mahina kaysa sa inyo. Pagkatapos, ang ikatlong kaharian ay sumisimbolo ng tansong bahagi ng rebulto, at ang kahariang ito ay maghahari sa buong mundo. At ang ikaapat na kaharian ay kasintatag ng bakal. Kung paanong ang bakal ay dumudurog, ang kahariang ito ay dudurog din ng ibang mga kaharian. Ang mga paa na yari sa bakal at luwad ay nangangahulugan ng mahahating kaharian. Pero mananatili itong malakas, dahil ikaw mismo ang nakakita na may halo itong bakal. Ang mga daliring bakal at luwad na mga paa ay nangangahulugan na may bahagi ang kaharian na matibay at may bahaging mahina. Ang pagsasama ng bakal at luwad ay nangangahulugang magkakaisa ang mga pinuno ng mga kahariang ito sa pamamagitan ng pag-aasawa ng magkaibang lahi. Pero hindi rin magtatagal ang kanilang pagkakaisa, katulad ng bakal at luwad na hindi maaaring paghaluin. “Sa panahon ng mga haring ito, ang Dios sa langit ay magtatayo ng isang kaharian na hindi babagsak kailanman. Hindi ito matatalo ng alinmang kaharian, kundi wawasakin pa niya ang lahat ng kaharian at mananatili ito magpakailanman. Katulad ito ng iyong nakitang tipak na bato mula sa bundok (na hindi kagagawan ng tao) na dumurog sa rebultong yari sa bakal, tanso, luwad, pilak at ginto. “Mahal na Hari, ipinahayag po ng makapangyarihang Dios sa inyo kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap. Iyon ang panaginip nʼyo at ang kahulugan nito. Totoo po ang lahat ng sinabi ko.” Nagpatirapa si Haring Nebucadnezar upang parangalan si Daniel. Pagkatapos, nag-utos siyang maghandog at magsunog ng insenso kay Daniel. Sinabi niya kay Daniel, “Dahil sa ipinahayag mo ang panaginip ko at ang kahulugan nito, totoo na ang iyong Dios ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng dios. Siya ang dapat kilalaning Panginoon ng mga hari. At siya lamang ang nakakapagpahayag ng mga hiwaga.” Pagkatapos, binigyan ng hari si Daniel ng maraming magagandang regalo. Ginawa siyang tagapamahala ng buong lalawigan ng Babilonia at pinuno ng lahat ng marurunong doon. Hiniling ni Daniel sa hari na italaga sina Shadrac, Meshac, at Abednego bilang katulong niya sa pamamahala ng lalawigan. Pumayag naman ang hari. At namalagi si Daniel sa palasyo ng hari.

Daniel 2:24-49 Ang Biblia (TLAB)

Kaya't pinasok ni Daniel si Arioch na siyang inihalal ng hari na lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; siya'y naparoon, at nagsabi sa kaniya ng ganito, Huwag mong lipulin ang mga pantas na tao sa Babilonia; dalhin mo ako sa harap ng hari, at aking ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. Nang magkagayo'y dinalang madali ni Arioch si Daniel sa harap ng hari, at nagsabing ganito sa kaniya, Ako'y nakasumpong ng isang lalake sa mga anak ng nangabihag sa Juda, na magpapaaninaw sa hari ng kahulugan. Ang hari ay sumagot, at nagsabi kay Daniel, na ang pangalan ay Beltsasar, Maipaaaninaw mo baga sa akin ang panaginip na aking nakita, at ang kahulugan niyaon? Si Daniel ay sumagot sa harap ng hari, at nagsabi, Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao, ng mga enkantador, ng mga mahiko man, o ng mga manghuhula man. Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito: Tungkol sa iyo, Oh hari, ang iyong mga pagiisip ay dumating sa iyo sa iyong higaan, kung ano ang mangyayari sa panahong darating; at siya na naghahayag ng mga lihim ay ipinaaninaw sa iyo kung ano ang mangyayari. Nguni't tungkol sa akin ang lihim na ito ay hindi nahayag sa akin ng dahil sa anomang karunungan na tinamo kong higit kay sa sinomang may buhay, kundi upang maipaaninaw sa hari ang kahulugan at upang iyong maalaman ang mga pagiisip ng iyong puso. Ikaw, Oh hari, nakakita, at narito, ang isang malaking larawan. Ang larawang ito na makapangyarihan, at ang kaniyang kakinangan ay mainam, ay tumayo sa harap mo; at ang anyo niyao'y kakilakilabot. Tungkol sa larawang ito, ang kaniyang ulo ay dalisay na ginto, ang kaniyang dibdib at ang kaniyang mga bisig ay pilak, ang kaniyang tiyan at ang kaniyang mga hita ay tanso, Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto. Iyong tinitingnan hanggang sa may natibag na isang bato, hindi ng mga kamay, na tumama sa larawan sa kaniyang mga paang bakal at putik na luto, at mga yao'y binasag. Nang magkagayo'y ang bakal, ang putik na luto, ang tanso, ang pilak, at ang ginto ay nagkaputolputol na magkakasama, at naging parang dayami sa mga giikan sa tagaraw; at tinangay ng hangin na walang dakong kasumpungan sa mga yaon: at ang bato na tumama sa larawan ay naging malaking bundok, at pinuno ang buong lupa. Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari. Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian; At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto. At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa. At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto. At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik. At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man. Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat. Nang magkagayo'y ang haring Nabucodonosor ay nagpatirapa, at sumamba kay Daniel, at nagutos na sila'y maghandog ng alay at ng may masarap na amoy sa kaniya. Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito. Nang magkagayo'y pinadakila ng hari si Daniel, at binigyan siya ng maraming dakilang kaloob, at pinapagpuno siya sa buong lalawigan ng Babilonia, at pinapaging pangulo ng mga tagapamahala sa lahat na pantas sa Babilonia. At si Daniel ay humiling sa hari, at kaniyang inihalal, si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego, sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia; nguni't si Daniel ay nasa pintuang-daan ng hari.

Daniel 2:24-49 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)