Daniel 10:2-3
Daniel 10:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Noon, akong si Daniel ay tatlong linggo nang nagluluksa. Tatlong linggo na rin akong hindi kumain ng anumang masarap na pagkain, ni tumikim man lamang ng karne o alak. Ni hindi ako naglagay ng langis sa aking ulo.
Daniel 10:2-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ganito ang nangyari ayon kay Daniel: Nang panahong iyon, tatlong linggo akong nagdalamhati. Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan sa loob ng tatlong linggo.
Daniel 10:2-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo. Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Daniel 10:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Noon, akong si Daniel ay tatlong linggo nang nagluluksa. Tatlong linggo na rin akong hindi kumain ng anumang masarap na pagkain, ni tumikim man lamang ng karne o alak. Ni hindi ako naglagay ng langis sa aking ulo.
Daniel 10:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)