Daniel 10:1-3
Daniel 10:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain. Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo. Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Daniel 10:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang ikatlong taon ng paghahari ni Ciro ng Persia, isang pahayag ang dumating kay Daniel na tinatawag ding Beltesazar. Ang pahayag na iyon ay totoo ngunit mahirap unawain. Ngunit naunawaan din ito ni Daniel sa pamamagitan ng pangitain. Noon, akong si Daniel ay tatlong linggo nang nagluluksa. Tatlong linggo na rin akong hindi kumain ng anumang masarap na pagkain, ni tumikim man lamang ng karne o alak. Ni hindi ako naglagay ng langis sa aking ulo.
Daniel 10:1-3 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang ikatlong taon ng paghahari ni Cyrus sa Persia, may ipinahayag na mensahe kay Daniel na tinatawag ding Belteshazar. Totoo ang pahayag at tungkol ito sa malaking digmaan. Naunawaan ni Daniel ang pahayag dahil ipinaliwanag ito sa kanya sa pamamagitan ng isang pangitain. Ganito ang nangyari ayon kay Daniel: Nang panahong iyon, tatlong linggo akong nagdalamhati. Hindi ako kumain ng masarap na pagkain, ni tumikim ng karne o uminom ng alak, at hindi rin ako nagpabango ng katawan sa loob ng tatlong linggo.
Daniel 10:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang ikatlong taon ni Ciro na hari sa Persia ay nahayag ang isang bagay kay Daniel, na ang pangala'y Beltsasar; at ang bagay ay tunay, sa makatuwid baga'y isang malaking pakikipagbaka; at kaniyang naunawa ang bagay at nagkaroon ng unawa tungkol sa pangitain. Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo. Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
Daniel 10:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)