Mga Taga-Colosas 2:19
Mga Taga-Colosas 2:19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi sila nagpapasakop kay Cristo na siyang ulo at may kapangyarihan sa buong katawan. Siya rin ang nagdurugtong ng mga bahagi nito sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid. Siya ang nangangalaga at nagpapaunlad sa buong katawan ayon sa pag-unlad na ninanais ng Diyos.
Mga Taga-Colosas 2:19 Ang Salita ng Dios (ASND)
Wala silang kaugnayan kay Cristo na siyang ulo natin. Siya ang nag-uugnay-ugnay at nag-aalaga sa atin na kanyang katawan sa pamamagitan ng mga magkakaugnay na bahagi nito. Sa ganoon, lumalago tayo nang naaayon sa Dios.
Mga Taga-Colosas 2:19 Ang Biblia (TLAB)
At hindi nangangapit sa Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.
Mga Taga-Colosas 2:19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)