Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

COLOSAS 2

2
1Sapagka't ibig ko na inyong maalaman kung gaano kalaki ang aking pagpipilit dahil sa inyo, at sa nangasa #Col. 4:13, 15, 16; Apoc. 1:11; 3:14. Laodicea, at sa lahat na hindi nakakita ng mukha ko sa laman;
2Upang mangaaliw ang kanilang mga puso, sa kanilang pagkakalakip sa pagibig, at sa #Heb. 6:11. lahat ng mga kayamanan ng lubos na katiwasayan ng pagkaunawa, upang makilala nila #1 Cor. 4:1; Col. 4:3. ang hiwaga ng #Ef. 5:20. Dios, sa makatuwid baga'y si Cristo,
3Na siyang #1 Cor. 2:6, 7; Ef. 1:8. kinatataguan ng lahat ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman.
4Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.
5Sapagka't bagaman sa laman ako'y wala sa harap, gayon ma'y nasa inyo ako sa espiritu, na nagagalak at nakikita ko ang inyong ayos, at ang katibayan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
6Kung paano nga na inyong tinanggap si Cristo Jesus na Panginoon, ay magsilakad kayong gayon sa kaniya,
7Na nangauugat #Ef. 3:17. at nangatatayo sa kaniya, at matibay sa inyong pananampalataya, gaya ng pagkaturo sa inyo, na sumasagana sa pagpapasalamat.
8Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa #Gal. 1:14. sali'tsaling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:
9Sapagka't #Juan 1:14. sa kaniya'y nananahan ang buong #Col. 1:19. kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,
10At sa kaniya #Juan 1:16; Ef. 3:19. kayo'y napuspus #Ef. 1:21. na siyang pangulo ng lahat na #Col. 1:16. pamunuan at kapangyarihan:
11Na sa kaniya ay tinuli rin naman kayo ng pagtutuling #Rom. 2:29; Fil. 3:3. hindi gawa ng mga kamay, #Rom. 6:6. sa pagkahubad ng katawang laman, sa pagtutuli ni Cristo;
12Na nangalibing na #Rom. 6:4. kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y #Rom. 6:5; Col. 3:1. muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.
13At #Ef. 2:5. nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat na mga kasalanan:
14Na pinawi #Ef. 2:15, 16. ang usapang #tal. 20. nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin, na hindi naayon sa atin: at ito'y kaniyang inalis, na ipinako sa krus;
15 # Awit 68:18; Is. 53:12; Juan 12:31; Ef. 4:8. Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila #Ef. 2:16. sa bagay na ito.
16Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo #Rom. 14:17. tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol #Rom. 14:5. sa kapistahan, o #Blg. 23:11. bagong buwan o araw ng sabbath:
17Na #Heb. 10:1. isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't #tal. 9. ang katawan ay kay Cristo.
18Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,
19At hindi nangangapit sa #Ef. 4:15, 16. Ulo, na sa kaniya'y ang buong katawan, na inaalalayan at nakalakip sa pamamagitan ng mga kasukasuan at mga litid, ay lumalago ng paglagong mula sa Dios.
20 # Col. 3:3. Kung kayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo mula sa #tal. 8. mga pasimulang aral ng sanglibutan, #Gal. 4:9. bakit, na waring kayo'y nangabubuhay pa sa sanglibutan, kayo'y nangapasasakop sa mga palatuntunan,
21 Gaya ng: #1 Tim. 4:3. Huwag dumampot, ni huwag lumasap, ni huwag humipo
22(Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao?
23Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa #tal. 18. pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman.

Kasalukuyang Napili:

COLOSAS 2: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya