Mga Taga-Colosas 2:15
Mga Taga-Colosas 2:15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa pamamagitan ng kanyang kamatayan sa krus, nilupig niya ang mga pinuno at kapangyarihan ng sanlibutan. Ang mga ito'y parang mga bihag na kanyang ipinarada sa madla bilang katunayan ng kanyang pagtatagumpay.
Mga Taga-Colosas 2:15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Doon din sa krus nilupig ng Dios ang mga espiritung namumuno at may kapangyarihan, at ipinakita sa lahat na ang mga ito ay bihag na niya.
Mga Taga-Colosas 2:15 Ang Biblia (TLAB)
Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay siya sa kanila sa bagay na ito.
Mga Taga-Colosas 2:15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)