2 Mga Taga-Corinto 10:11-18
2 Mga Taga-Corinto 10:11-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dapat malaman ng mga taong nagsasabi ng ganyan na kung ano ang sinasabi namin sa sulat ngayong malayo kami, ay siya rin naming gagawin kapag kaharap na ninyo kami. Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili! Hindi kami lalampas sa hangganang ibinigay sa akin ng Diyos, ang gawaing inilaan niya sa amin, kasama na ang pangangaral namin sa inyo. Hindi kami naging palalo nang kami'y pumunta riyan sa inyo. Hindi ba't kami ang unang pumariyan at nagdala sa inyo ng Magandang Balita tungkol kay Cristo? Hindi namin ipinagyayabang ang pinaghirapan ng iba. Umaasa kaming tatatag ang inyong pananampalataya sa Diyos, at dahil diyan ay lalawak ang aming gawain sa inyo, ngunit hindi naman lalampas sa hangganang inilagay ng Diyos. Sa gayon, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa ibang mga lupain. At hindi namin aangkinin ang ginawa ng iba. Tulad ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.” Ang pinaparangalan ng Panginoon ay ang mga taong karapat-dapat sa kanyang kalooban at hindi ang pumupuri sa sarili.
2 Mga Taga-Corinto 10:11-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Dapat malaman ng mga taong iyan na kung ano ang sinasabi namin sa aming sulat, ito rin ang gagawin namin kapag dumating na kami riyan. Hindi namin ibinibilang o ikinukumpara ang aming sarili sa mga iba na mataas ang tingin sa sarili. Mga hangal sila, dahil sinusukat nila at kinukumpara ang kani-kanilang sarili. Pero kami ay hindi nagmamalaki sa mga gawaing hindi na namin sakop, kundi sa mga gawain lamang na ibinigay sa amin ng Dios, at kasama na rito ang gawain namin sa inyo. Kung hindi kami nakarating diyan, pwede nilang sabihin na labis ang aming pagmamalaki. Pero ang totoo, kami ang unang dumating sa inyo at nangaral ng Magandang Balita tungkol kay Cristo. Kaya hindi labis ang aming pagmamalaki dahil hindi namin inaangkin at ipinagmamalaki ang pinaghirapan ng iba. Sa halip, umaasa kami na sa paglago ninyo sa pananampalataya ay lalawak pa ang gawain namin sa inyo, ayon sa ipinapagawa sa amin ng Dios. Pagkatapos, maipangangaral naman namin ang Magandang Balita sa iba pang mga lugar na malayo sa inyo. Sapagkat ayaw naming angkinin at ipagmalaki ang pinaghirapan ng iba. Gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Kung mayroong nais magmalaki, ipagmalaki na lang niya kung ano ang ginawa ng Panginoon.” Sapagkat nalulugod ang Panginoon sa taong kanyang pinupuri at hindi sa taong pumupuri sa sarili.
2 Mga Taga-Corinto 10:11-18 Ang Biblia (TLAB)
Bayaang isipin ng isang gayon ito, na, kung ano kami sa pananalita sa mga sulat pagka kami ay wala sa harapan, ay gayon din kami naman sa gawa pagka kami ay nahaharap. Sapagka't hindi kami nangagmamatapang na makibilang o makitulad sa mga ilan doon sa mga nagmamapuri sa kanilang sarili: nguni't sila na sinusukat ang kanilang sarili sa kanila rin, at kanilang itinutulad ang sarili sa kanila rin ay mga walang unawa. Datapuwa't hindi naman ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, kundi ayon sa sukat ng hangganang sa amin ay ipinamamahagi ng Dios, na gaya ng sukat, upang umabot hanggang sa inyo. Sapagka't hindi kami nagsisilagpas ng higit, na waring hindi na namin kayo aabutin: sapagka't hanggang sa inyo naman ay nagsirating kami sa evangelio ni Cristo: Na hindi namin ipinagmamapuri ang labis sa aming sukat, sa makatuwid baga'y ang mga gawa ng ibang mga tao; kundi yamang may pagasa, na ayon sa paglago ng inyong pananampalataya, kami'y pupurihin sa inyo ayon sa aming hangganan sa lalong kasaganaan, Upang ipangaral ang evangelio sa mga dako pa roon ng lupain ninyo, at huwag kaming mangagmapuri sa hangganan ng iba tungkol sa mga bagay na nangahahanda na sa amin. Datapuwa't ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon. Sapagka't hindi subok ang nagtatagubilin sa kaniyang sarili, kundi ang ipinagtatagubilin ng Panginoon.
2 Mga Taga-Corinto 10:11-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dapat malaman ng mga taong nagsasabi ng ganyan na kung ano ang sinasabi namin sa sulat ngayong malayo kami, ay siya rin naming gagawin kapag kaharap na ninyo kami. Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili! Hindi kami lalampas sa hangganang ibinigay sa akin ng Diyos, ang gawaing inilaan niya sa amin, kasama na ang pangangaral namin sa inyo. Hindi kami naging palalo nang kami'y pumunta riyan sa inyo. Hindi ba't kami ang unang pumariyan at nagdala sa inyo ng Magandang Balita tungkol kay Cristo? Hindi namin ipinagyayabang ang pinaghirapan ng iba. Umaasa kaming tatatag ang inyong pananampalataya sa Diyos, at dahil diyan ay lalawak ang aming gawain sa inyo, ngunit hindi naman lalampas sa hangganang inilagay ng Diyos. Sa gayon, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa ibang mga lupain. At hindi namin aangkinin ang ginawa ng iba. Tulad ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.” Ang pinaparangalan ng Panginoon ay ang mga taong karapat-dapat sa kanyang kalooban at hindi ang pumupuri sa sarili.
2 Mga Taga-Corinto 10:11-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)