Dapat malaman ng mga taong nagsasabi ng ganyan na kung ano ang sinasabi namin sa sulat ngayong malayo kami, ay siya rin naming gagawin kapag kaharap na ninyo kami. Hindi namin ipapantay, o ihahambing man lamang, ang aming sarili sa ilang nagbubuhat ng sariling bangko. Napakahangal nila! Ang sarili rin nila ang ginagawa nilang sukatan at parisan ng kanilang sarili! Hindi kami lalampas sa hangganang ibinigay sa akin ng Diyos, ang gawaing inilaan niya sa amin, kasama na ang pangangaral namin sa inyo. Hindi kami naging palalo nang kami'y pumunta riyan sa inyo. Hindi ba't kami ang unang pumariyan at nagdala sa inyo ng Magandang Balita tungkol kay Cristo? Hindi namin ipinagyayabang ang pinaghirapan ng iba. Umaasa kaming tatatag ang inyong pananampalataya sa Diyos, at dahil diyan ay lalawak ang aming gawain sa inyo, ngunit hindi naman lalampas sa hangganang inilagay ng Diyos. Sa gayon, maipapangaral naman namin ang Magandang Balita sa ibang mga lupain. At hindi namin aangkinin ang ginawa ng iba. Tulad ng sinasabi sa kasulatan, “Kung may nais magmalaki, ang ipagmalaki niya'y ang ginawa ng Panginoon.” Ang pinaparangalan ng Panginoon ay ang mga taong karapat-dapat sa kanyang kalooban at hindi ang pumupuri sa sarili.
Basahin 2 Mga Taga-Corinto 10
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: 2 Mga Taga-Corinto 10:11-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas