2 Mga Cronica 31:10
2 Mga Cronica 31:10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganito ang sagot ni Azarias, ang pinakapunong pari mula sa angkan ni Zadok: “Mula nang magdala ng handog sa Templo ni Yahweh ang mga tao, saganang-sagana kami sa pagkain at marami pang natitira. Nangyari ito dahil sa pagpapala ni Yahweh.”
2 Mga Cronica 31:10 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sumagot si Azaria, ang punong pari na mula sa angkan ni Zadok, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa templo ng PANGINOON, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng PANGINOON ang kanyang mga mamamayan.”
2 Mga Cronica 31:10 Ang Biblia (TLAB)
At si Azarias na punong saserdote sa bahay ni Sadoc, ay sumagot sa kaniya, at nagsabi, Mula ng magpasimulang magdala ang bayan ng mga alay sa bahay ng Panginoon, kami ay nagsikain at nangabusog kami, at lumabis ng sagana sapagka't pinagpala ng Panginoon ang kaniyang bayan; at ang naiwan ay ang malaking kasaganaang ito.
2 Mga Cronica 31:10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ganito ang sagot ni Azarias, ang pinakapunong pari mula sa angkan ni Zadok: “Mula nang magdala ng handog sa Templo ni Yahweh ang mga tao, saganang-sagana kami sa pagkain at marami pang natitira. Nangyari ito dahil sa pagpapala ni Yahweh.”
2 Mga Cronica 31:10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)