1 Mga Hari 9:4-5
1 Mga Hari 9:4-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
At ikaw, kung mamumuhay kang tapat at matuwid sa aking harapan, katulad ng iyong ama na si David, at kung gagawin mo ang lahat ng ipinapagawa ko sa iyo at tutuparin ang aking mga tuntunin at mga utos, paghahariin ko sa Israel ang iyong mga angkan magpakailanman. Ipinangako ko ito sa iyong ama na si David nang sabihin ko sa kanya, ‘Laging magmumula sa angkan mo ang maghahari sa Israel.’
1 Mga Hari 9:4-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung ikaw naman ay mananatiling tapat sa akin, gaya ng iyong amang si David, kung gagawin mong lahat ang mga ipinagagawa ko sa iyo, at susundin mo ang aking mga utos at tuntunin, pananatilihin ko sa trono ng Israel ang iyong angkan. Iyan ang aking ipinangako sa iyong amang si David.
1 Mga Hari 9:4-5 Ang Biblia (TLAB)
At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.
1 Mga Hari 9:4-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung ikaw naman ay mananatiling tapat sa akin, gaya ng iyong amang si David, kung gagawin mong lahat ang mga ipinagagawa ko sa iyo, at susundin mo ang aking mga utos at tuntunin, pananatilihin ko sa trono ng Israel ang iyong angkan. Iyan ang aking ipinangako sa iyong amang si David.
1 Mga Hari 9:4-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)