Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Zacarias 9:9-10

Zacarias 9:9-10 RTPV05

O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan. “Ipapaalis niya ang mga karwahe sa Efraim, gayundin ang mga kabayong pandigma ng Jerusalem. Panudla ng mga mandirigma ay mawawala, pagkat paiiralin niya'y ang pagkakasundo ng mga bansa. Hangganan ng kaharian niya'y dagat magkabila, mula sa Ilog Eufrates hanggang dulo ng lupa.”