Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tito 1:8-16

Tito 1:8-16 RTPV05

bukás ang tahanan sa mga panauhin, maibigin sa kabutihan, mahinahon, makatarungan, may kabanalan, at marunong magpigil sa sarili. Kailangang matatag siyang nananalig sa mga tunay na aral na natutuhan niya, upang ito'y maituro naman niya sa iba at maipakita ang kamalian ng mga sumasalungat dito. Sapagkat maraming tao, lalung-lalo na ang mga galing sa Judaismo, ang sumasalungat laban sa mga aral na ito. Dinadaya nila ang iba sa pamamagitan ng mga katuruang walang kabuluhan. Kailangang pigilin mo sila sa kanilang ginagawang ito sapagkat ginugulo nila ang mga pamilya. Kumita lamang sila ng salapi ay nagtuturo sila ng mga bagay na di dapat ituro. Isa na rin sa mga propetang taga-Creta ang nagsabi, “Ang mga taga-Creta ay talagang sinungaling, asal-hayop, batugan, at matakaw.” Tama ang kanyang sinabi, kaya't mahigpit mo silang pagsabihan upang sila'y mamuhay nang maayos ayon sa kanilang pananampalataya, at huwag nang maniwala pa sa mga alamat ng mga Judio, o sa katuruan ng mga taong tumalikod sa katotohanan. Malinis ang lahat ng bagay sa may malinis na isipan, ngunit sa masasama at di sumasampalataya, walang bagay na malinis sapagkat marumi ang kanilang budhi at isipan. Ang sabi nila'y kilala nila ang Diyos, ngunit hindi naman ito nakikita sa kanilang mga gawa. Sila'y kasuklam-suklam, suwail at hindi makagawa ng anumang mabuti.