Ano itong nakikitang nagmumula sa kaparangan? Wari'y pumapailanlang usok ng mira at kamanyang, na ang samyo ay katulad ng pabangong ubod mahal. Dumarating si Solomon, sa trono niya'y nakaupo, ang kasamang mga bantay ay mayroong animnapu, pangunahing mga kawal, matatapang, matipuno. Bawat isa ay may tabak at bihasa sa digmaan, nagbabantay kahit gabi, nakahanda sa paglaban. Ang magandang trono nitong haring si Solomon, pawang yari sa piling kahoy ng Lebanon. Ang lahat ng tukod nito'y nababalutan ng pilak, ang habong naman nito'y may palamuting gintong payak, iyon namang mga kutson, kulay ube ang nakabalot; mga dalaga sa Jerusalem ang humabi at naggayak. Mga dilag nitong Zion, masdan ninyo si Haring Solomon, nagputong ng korona niya ay ang kanyang inang mahal sa oras ng pagdiriwang, sa oras ng kanyang kasal.
Basahin Ang Awit ni Solomon 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ang Awit ni Solomon 3:6-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas