Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 3:6-11

ANG AWIT NG MGA AWIT 3:6-11 ABTAG

Sino itong umaahong mula sa ilang Na gaya ng mga haliging usok, Na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, Ng lahat na blanquete ng mangangalakal? Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; Anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, Sa mga makapangyarihang lalake ng Israel. Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: Bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, Dahil sa takot kung gabi. Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin Na kahoy sa Libano, Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, Ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, Ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, Na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem. Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, Na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, Sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, At sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ANG AWIT NG MGA AWIT 3:6-11