Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman. Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan, namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang. Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas, sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad; ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili, ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap. Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag, sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat. Ako'y kanyang pinakain ng sariwang mga ubas, at magiliw na binusog ng matamis na mansanas; dahil aking puso'y uhaw sa pagsinta mong wagas. Ang kaliwa niyang bisig ang siya kong inuunan, habang ako'y hinahaplos ng kanan niyang kamay.
Basahin Ang Awit ni Solomon 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ang Awit ni Solomon 2:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas