Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Awit 2:1-6

Awit 2:1-6 ASND

Akoʼy isang bulaklak lamang ng Sharon, isang liryo sa lambak. Kung ihahambing sa ibang kababaihan, ang irog koʼy tulad ng liryo sa gitna ng matinik na halamanan. Kung ihahambing naman sa ibang kabinataan, ang mahal koʼy tulad ng puno ng mansanas sa gitna ng mga puno roon sa kagubatan. Ako ay nanabik na maupo sa lilim niya, at tikman ang matamis niyang bunga. Dinala niya ako sa isang handaan para ipakita sa lahat na ako ay kanyang minamahal. Pakainin ninyo ako ng pasas at mansanas para akoʼy muling lumakas, sapagkat nanghina ako dahil sa pag-ibig. Ulo koʼy nakaunan sa kaliwa niyang bisig at ang kanang kamay naman niya ay nakayakap sa akin.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Awit 2:1-6