Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Roma 6:6-10

Mga Taga-Roma 6:6-10 RTPV05

Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Kung tayo'y namatay nang kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay rin tayong kasama niya. Alam nating si Cristo nang muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan. Nang siya'y mamatay, namatay siya nang minsanan dahil sa kasalanan; at ang buhay niya ngayon ay dahil sa Diyos.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Roma 6:6-10