Kaya nga, alalahanin mo ang mga bagay na iyong tinanggap at narinig. Isagawa mo ang mga iyon; pagsisihan mo't talikuran ang iyong kasamaan. Kung hindi ka gigising, pupunta ako diyan na gaya ng isang magnanakaw, at hindi mo malalaman ang oras ng aking pagdating. “Ngunit may ilan sa inyo diyan sa Sardis na nag-ingat na mapanatiling malinis ang kanilang damit, kaya't kasabay ko silang maglalakad na nakasuot ng puti sapagkat sila'y karapat-dapat. Ang magtatagumpay ay magdaramit ng puti, at hindi ko kailanman aalisin sa aklat ng buhay ang kanyang pangalan. Kikilalanin ko siya sa harap ng aking Ama at ng kanyang mga anghel. “Ang lahat ng may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya!” “Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Filadelfia: “Ito ang sinasabi ng banal at mapagkakatiwalaan, ang may hawak ng susi ni David. Walang makakapagsara ng anumang buksan niya, at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
Basahin Pahayag 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Pahayag 3:3-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas