Pagkatapos ng sanlibong taon ay palalayain si Satanas mula sa kanyang pagkabilanggo. Lalabas siya at dadayain ang mga bansa sa buong mundo, ang Gog at Magog. Titipunin niya ang mga ito at isasama sa pakikipagdigma. Ang hukbong ito ay magiging sindami ng buhangin sa tabing-dagat. Kumalat sila sa buong mundo at pinaligiran ang kampo ng mga hinirang ng Diyos at ang pinakamamahal na lunsod. Ngunit umulan ng apoy mula sa langit at tinupok ang mga kampon ni Satanas. At ang Diyablong nandaya sa kanila ay itinapon sa dagat na apoy at asupre na pinagtapunan din sa halimaw at sa huwad na propeta; magkakasama silang pahihirapan, araw at gabi, magpakailanman.
Basahin Pahayag 20
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 20:7-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas