“Isulat mo sa anghel ng iglesya sa Pergamo: “Ito ang ipinapasabi ng may hawak ng matalas na tabak na sa magkabila'y may talim. Nalalaman ko kung saan ka nakatira, sa lugar na pinaghaharian ni Satanas, ngunit nananatili kang tapat sa akin. Hindi mo tinalikuran ang iyong pananampalataya sa akin kahit noong si Antipas na tapat kong lingkod ay patayin diyan sa kalagitnaan ninyo sa bayang tinitirhan ni Satanas. Subalit may hinanakit ako sa iyo: may ilan sa inyo na sumusunod sa katuruan ni Balaam na nagturo kay Balac upang mahikayat ang mga Israelita na magkasala. Kaya't kumain sila ng mga pagkaing inihandog sa mga diyus-diyosan at nakiapid. May ilan din sa inyong sumusunod sa katuruan ng mga Nicolaita.
Basahin Pahayag 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Pahayag 2:12-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas