Mula sa templo'y narinig ko ang isang malakas na tinig na nag-uutos sa pitong anghel, “Lumakad na kayo at ibuhos ninyo sa lupa ang laman ng pitong mangkok ng poot ng Diyos.” At umalis ang unang anghel at ibinuhos sa lupa ang laman ng dala niyang mangkok. Kaya't nagkaroon ng mahahapdi at nakakapandiring pigsa ang mga taong may tatak ng halimaw at sumamba sa larawan nito. Ibinuhos ng ikalawang anghel ang laman ng kanyang mangkok sa dagat. Ang tubig nito ay naging parang dugo ng patay na tao, at namatay ang lahat ng nilikhang nabubuhay sa dagat. Ibinuhos naman ng ikatlong anghel ang laman ng kanyang mangkok sa mga ilog at mga bukal, at naging dugo rin ang mga ito. At narinig kong sinabi ng anghel na namamahala sa mga tubig, “Ikaw ang Matuwid, na nabubuhay ngayon at noong una, ang Banal, sapagkat hinatulan mo ang mga bagay na ito. Ang mga nagpadanak ng dugo ng mga hinirang ng Diyos at ng mga propeta ay binigyan mo ng dugo upang kanilang inumin. Iyan ang nararapat sa kanila!” At narinig ko mula sa dambana ang ganitong pananalita, “Oo, Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, talagang matuwid at tama ang mga hatol mo!”
Basahin Pahayag 16
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 16:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas