Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 15:5-8

Pahayag 15:5-8 RTPV05

Pagkatapos nito'y nakita ko ring bumukas ang templo sa langit, ang Toldang Tipanan ng Diyos at ng tao. Lumabas mula sa templo ang pitong anghel na may dalang pitong salot. Nakasuot sila ng damit na malinis at nakakasilaw sa kaputian na may gintong pamigkis sa dibdib. Ibinigay sa kanila ng isa sa apat na nilalang na buháy ang pitong mangkok na ginto na punung-puno ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman. Ang templo ay napuno ng usok na nagmumula sa kaluwalhatian at kapangyarihan ng Diyos at walang makapasok sa templo hangga't hindi natatapos ang pitong salot na dala ng pitong anghel.