Hinipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta at mula sa langit ay may malalakas na tinig na nagsabi, “Ang paghahari sa sanlibutan ay inilipat na kay Cristo na ating Panginoon. Maghahari siya magpakailanman!” At ang dalawampu't apat na matatandang nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa at sumamba sa kanya. Sinabi nila, “Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng kasalukuyan, at ng nakaraan! Nagpapasalamat kami na ginamit mo ang iyong walang hanggang kapangyarihan at nagpasimula ka nang maghari! Nagngingitngit ang mga di-kumikilala sa iyo, dahil dumating na ang panahon ng iyong poot, ang paghatol sa mga patay, at pagbibigay ng gantimpala sa mga propetang lingkod mo, at sa iyong mga hinirang, sa lahat ng may takot sa iyo, dakila man o hamak. Panahon na upang lipulin mo ang mga sumira sa sanlibutan.” At nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan sa loob nito. Pagkatapos ay gumuhit ang kidlat, dumagundong ang kulog, narinig ang malalakas na ingay, lumindol, at umulan ng yelo.
Basahin Pahayag 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Pahayag 11:15-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas