Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 1:12-16

Pahayag 1:12-16 RTPV05

Lumingon ako upang tingnan ang nagsasalita, at nakakita ako ng pitong ilawang ginto. Nakatayo sa gitna ng mga ilawan ang isang parang Anak ng Tao na nakadamit ng hanggang sakong, at may gintong pamigkis sa kanyang dibdib. Ang kanyang ulo at buhok ay kasimputi ng balahibo ng tupa o ng niyebe, at ang kanyang mga mata'y parang apoy na nagliliyab. Kumikinang ang kanyang mga paa na parang tansong pinakintab, at parang rumaragasang tubig ang kanyang tinig. May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay, at lumalabas sa kanyang bibig ang isang matalim na tabak na sa magkabila'y may talim. Ang kanyang mukha ay nakakasilaw na parang matinding sikat ng araw.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya