Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 9:1-4

Mga Awit 9:1-4 RTPV05

Pupurihin kita Yahweh, nang buong puso ko, mga kahanga-hangang ginawa mo'y ipahahayag ko. Dahil sa iyo, ako ay aawit na may kagalakan, pupurihin kita, O Diyos na Kataas-taasan. Makita ka lang ay umuurong na ang aking mga kaaway, sila'y nabubuwal at namamatay sa iyong harapan. Patas at makatarungan ka sa iyong paghatol, matuwid kong panig ay iyong ipinagtanggol.