Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 88:1-9

Mga Awit 88:1-9 RTPV05

Yahweh, aking Diyos, tanging ikaw lamang, aking kaligtasan, pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan. Ako ay dinggin mo, sa pagdalangin ko ako ay pakinggan, sa aking pagdaing ako ay tulungan. Ang kaluluwa ko ay nababahala't puspos ng problema. Dahilan sa hirap pakiwari'y buhay ko'y umiiksi na. Ibinilang ako, niyong malapit nang sa hukay ilagak, ang aking katulad ay mahina na't ubos na ang lakas. Ang katulad ko pa ay ang iniwanan sa gitna ng patay, animo'y nasawi na nananahimik sa kanyang libingan. Tulad na rin ako nitong mga tao na iyong nilimot, parang mga tao na sa iyong tulong ay hindi maabot. Dinala mo ako sa may kadilimang hukay na malalim, na tulad ng libingan na ubod ng dilim. Ikaw ay nagalit, at ang bigat nito'y sa akin nabunton, ang katulad ko'y tinabunan ng malaking alon. (Selah) Mga kasama ko'y hinayaan mo na ako ay iwan, hinayaan silang mamuhi sa aki't ako'y katakutan, kaya hindi ako makatakas ngayo't pintua'y nasarhan. Dahilan sa lungkot, ang aking paningi'y waring lumalamlam, kaya naman, Yahweh, tumatawag ako sa iyo araw-araw, sa pagdalangin ko ay taas ang kamay.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 88:1-9