Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 83

83
Panalangin Upang Matalo ang mga Kalaban
Awit ni Asaf.
1Huwag kang manahimik, O Diyos, huwag kang magpabaya, ikaw ay kumilos.
2Hayun! Ang kaaway nagsisipag-alsa,
at ang namumuhi'y kinakalaban ka.
3Sila'y nagbabalak laban sa hinirang,
laban sa lahat ng iyong iningatan.
4Ganito ang sabi, “Ating papawiin, ang kanilang bansa'y ating lilipulin;
upang ang Israel, malimutan na rin!”
5Nagkakaisang lahat, sila ay nagplano,
kanilang pasya ay lumaban sa iyo.
6Ang lahi ni Edom at ang Ismaelita,
Moab at Agarenos lahat nagkaisa.
7Ang Gebal at Ammon gayon din ang pasya,
Amalek at Tiro at ang Filistia.
8Pati ang Asiria'y nakipagsabwatan,
sa lahi ni Lot, nakipagtulungan. (Selah)#8 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
9Mga#Huk. 7:1-23; Huk. 4:6-22. bansang ito'y iyong parusahan, tulad ng parusang ginawa sa Midian,
kay Jabi't Siserang nalupig sa laban nang sa Ilog Kison, buhay winakasan.
10Pinatay lahat at ang hukbo'y nawasak,
sa Endor, ang bangkay nila ay nagkalat.
11Yaong#Huk. 7:25; Huk. 8:12. mga bantog nilang punong-kawal, kay Oreb at Zeeb iparis ang buhay.
Lupigin mong lahat ang pinuno nila tulad ng sinapit ni Zeba't Zalmuna,
12sila ang nagsabing, “Ang pastulan ng Diyos
ay ating kamkami't maging ating lubos.”
13Ikalat mo silang parang alikabok,
tulad ng dayami na tangay ng unos.
14Tulad ng pagtupok ng apoy sa gubat,
nang ang kaburula'y kubkob na ng ningas,
15gayon mo habulin ng bagyong malakas,
ito ang gawin mo't nang sila'y masindak.
16Mga taong yaon sana'y hiyain mo,
upang matutong maglingkod sa iyo.
17Lupigin mo sila't takuting lubusan,
lubos mong hiyain hanggang sa mamatay.
18Sana ikaw, Yahweh, kanilang mabatid,
ang tangi't dakilang hari ng daigdig!

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 83: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya