Panginoon bakit kami'y itinakwil habang buhay? Bakit ka ba nagagalit sa tupa ng iyong kawan? Iyo sanang gunitain ang tinipon mo no'ng una, itong lahing tinubos mo't itinakda na magmana; pati ang Zion na iyong dating tirahan. Lapitan mo ang naiwan sa winasak ng kaaway. Ang guho ng santuwaryo mo na sinira nang lubusan. Ang loob ng iyong templo'y hindi nila iginalang, sumisigaw na nagtayo ng kanilang diyus-diyosan. Ang lahat ng nasa loob na yari sa mga kahoy, magmula sa pintuan mo'y sinibak at pinalakol. Ang lahat ng inukitang mga kahoy sa paligid, pinalakol at dinurog ng kaaway na malupit. Ang iyong banal na santuwaryo ay kanilang sinigaan, nilapastangan nila't winasak ang templong banal. Sa kanilang pag-uusap ay nagpasya ng ganito, “Hindi natin sila titigilan hanggang di pa natatalo;” kaya sa buong lupain, ang tagpuan ng bayan mo, para ikaw ay sambahin, sinunog at naging abo. Wala kaming pangitain, ni propetang naglilingkod, ang ganitong kalagaya'y hindi namin maunawaan, hindi namin nalalaman kung kailan matatapos.
Basahin Mga Awit 74
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 74:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas